11th Shot: Part 2

246K 2.5K 89
                                    

A/N: Wag nyo na hanapin si Drae. Eto lang sya kasama ang mga may toyo nyang kaibigan. LOL! Mana sila sakin, may toyo! HAHAHA.

Meet the other cast! Read on ↓↓↓ ^____^

________________________________________________________________

SAMANTALA, totoong sa malapit lang pumunta si Drae tulad ng paalam niya kay Meg. Truth is, nasa resto-bar lang sya malapit sa beach house niya and it’s just a five minutes drive. Tinawagan kasi siya ng barkada and asked him to meet them right away. Of course, alam niyang naroon din ang kapatid ni Meg na isa pang dahilan kung bakit hindi niya natanggihan ng tawagan siya ni Art.

Isa pang dahilan kung bakit pursigido na siyang mapasagot si Meg ay dahil ayaw niya ng ideya na parang nagli-live in lang sila. Meg was always their princess kahit na palagi itong inaasar ng kambal at ni Art.

Oo nga at nararamdaman niyang mahal siya ng dalaga at na hindi malabaong mapapayag na niya ito any time soon pero paano nalang kung malaman nito na ang pag alok niya rito ng kasal ay hindi lang for formality kundi dahil iyon talaga ang una nilang magiging tunay na kasal? He was afraid that even though Meg loved him, she would back out just because he can’t freaking tell the damn truth!

At paano nalang din kung malalaman nitong may anak pala siya sa ibang babae? Paano kung malaman nito ang tungkol kay Diane? She never once asked about Diane pero sigurado siyang isa iyon sa dahilan kung bakit may pag aalangan pa rin si Meg na tanggapin siya.

Napakaraming what ifs ang nabubuo sa isip niya at hindi na niya alam kung alin ba ang dapat unahin; kung ang pagtatapat ba rito na hindi pa talaga sila mag asawa o kung ang pagsasabi rito ng tungkol kay Diane at sa bata? Naguguluhan na siya. And he never felt something like this before.

Pagdating niya sa naturang resto-bar ay agad niyang nakita ang umpukan ng mga kaibigan. They’re like a wallflower on that corner. Iyon nga lang, sa lahat ng wallflower, ang mga ito ang maiingay. At papaanong hindi niya agad mapapansin ang mga ito kung halos kuhanin na ng mga ito ang atensyon ng halos lahat ng naroroon especially women.

Napangiti nalang siya at sandaling pinanood ang mga ito. Yeah, they are a bunch of handsome men na kung hindi mo talaga kakilala ay iisipin mong mga lalaking wala lang magawa sa buhay. At kahit magkakaiba sila ng propesyon at personalidan, mayroon naman silang isang common goal and that is to have a family they can call they own.

“Ang dakilang late, nandito na!” anunsyo ni Art sa malakas na boses na para bang sila lang ang taong naroroon. “Palakpakan po natin ang poging-pogi na si Mr. Andrae Knudsen, ang lalaking hanggang ngayon ay basted pa rin!”

Binatukan ito ni Terence at sinabihang tumahimik. Nagtawanan naman ang ibang mga nandoon na nakakita.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora