22nd Shot

202K 2.2K 57
                                    

Re-posted!
(12/16/17)


22nd Shot:


PAGDATING NILA sa napagkasunduang retaurant kung saan sila mag uusap usap ay naroon na at naghihitay sa kanila si Diane sa pinakadulong bahagi ng restaurant kung saan wala pa masyadong tao at hindi sila mapagtutuunan ng pansin.


Kahit ganoon ay hindi pa rin maiwasan talaga na maka-attract sila ng atensyon. Drae was so handsome in his dark gray business suit while she was wearing a blue long back dress.


As Diane noticed them, she immediately stands up at sinalubong ang anak nito na hawak hawak niya.


Diane looks as beautiful as the day she first saw her. Sa tingin nga niya ay lalo pa itong gumanda lalo na sa uot nitong cream na longsleeves na maluwang at hindi humahapit sa katawan nito. Naka-tucked iyon sa kulay dilaw nitong skirt na halos umabot na sa bukong-bukong nito. She looks so elegant at hindi ito mapagkakamalang may anak. Siguro nga kapag pinagtabi sila ay siya pa ang mapagkakamalang mas matanda. And she's gaining weight now because she's pregnant. Na-insecure siyang bigla.


"I miss you, baby." Anito sa anak habang yakap yakap.


Ipinaghila siya ni Drae ng upuan at parang noon lang siya natauhan at inalis ang pagkakatitig sa mag ina.


Nagkamustahan lang sila ng tungkol kay Thea habang hinihintay ang order nila. Walang gustong magbukas ng usapan kung ano ba talaga ang pag uusapan sa lunch na iyon.


Hanggang sa dumating ang order nila at bukod kay Thea at sa mga kubyertos ay wala ng gumagawa ng ingay sa lamesa nila.


The atmosphere between them was so awkward that she finds it hard to breath. Sa sobrang tahimik nila ay parang pati ang ibang kumakain ay nahiyang mag ingay. Or was it just her imagination?


Pasimple niyang tinignan ang ibang kumakain. Most of them are business professionals at ang iba ay napapatingin sa kanila. Siguro ay dahil namumukaan ng mga ito si Drae na kaylan lang ay laman ng local news.


She is sure that they look like a wallflower in that corner.


Minadali niya ang pagkain and excused herself para pumunta sa powder room.


"You okay?" tanong pa sa kanya ni Drae bago siya tumayo. Kahit kasi matakaw siya ay may mga pagkain pa rin na hindi tinatanggap ng sikmura niya.


Tumango siya at nginitian ito. "I just need to make a call. I'll be right back." Aniya saka nilingon si Diane at bahagyang nginitian. They need privacy... I think.


PAGLABAS NIYA NG POWDER ROOM at pabalik n asana sa pwesto kung nasaan sila Drae ay may narinig siyang kumakanta. Nilingon niya ang kabilang bahagi ng restaurant at napahinto siya sa nakita dahil may nanghaharana in broad daylight! Uso pa pala iyon?

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon