13: The Bath

17.7K 269 16
                                    

Nakahiga ako sa kama ko habang hinihintay siyang matapos mag-shower

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakahiga ako sa kama ko habang hinihintay siyang matapos mag-shower. Feel ko tuloy ang baho ko na rin dahil sa suka ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Owen Orbiso, kakaiba talaga siya.

"Chantalle?" Tawag niya sa akin mula sa bathroom.

"Ano?"

"Tara dito."

Tinatamad akong tumayo. Marahil uutusan niya lang ako kung nasaan ang ganito ganyan.

"Chantalle! Chan!" Tumawa siya. "Chan, Chan!"

Napabangon na ako para pumunta sa tapat ng pinto. "Ang ingay mo! Ano ba kailangan mo?" Tanong ko. Kahit na ba sabihin kong walang pake si daddy, masasabi ko lang 'yon pag lasing siya. Pero pag nasa katinuan na siya baka kung anong gawin n'ya kay Owen.

"Towel, please?"

"Nandyan sa loob." Sagot ko. Kitang kita kaya pagpasok mo pa lang.

"Wala,"

Pinihit ko na ang doorknob. Hindi siya naka-lock kaya nakapasok ako. Pagpasok pa lang kita na 'yung towel. Sa inis ko, hinawi ko 'yung shower curtain at ibinato sa kaniya ang towel. "Wag kasing bulag..."

Sana pala bulag ako. I hated myself for turning back when I saw him naked. Nakita ko naman na siyang ganoon. Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro kasi this time maliwanag at wala talagang nakatabing sa kaniya. I saw his well-sculptured body. Pwede siyang maging nude model sa ganda ng katawan niya. He got the body like Michelangelo's David. No, I guess it's much more better than that lalo na sa v-line niya. That screamed expertise when it come's to sex.

Hindi ko namalayang hindi na pala ako nakatalikod kun'di tinititigan na ang buong pagkatao niya. Kung hindi siya tumikhim hindi ako mapapabalik sa sense ko.

He looked embarrassed like me kaya medyo napanatag ako. Medyo lang at saglit na segundo lang. Pano ba naman ngumisi siya at talaga namang nawala na ang hiya niya. "Mas maganda siguro kung sasamahan mo ako maligo."

Napakurap ako sa sinabi niya. Kinilabutan ako sa gusto niyang gawin. Kilabot na tipong nahihiya, natatakot at na-e-excite. Umiling ako. Kaya ko namang tapatan ang confident niya pero hindi sa ganitong sitwasyon. Taking a bath with someone was pretty intimate for me. I never than that before. Let see, sex maybe much more intimate but taking a bath... he can see all of me; my dirt--even the dirt that's not physically present. He might see Prof. Adolfo's hand on my thigh.

"Chantalle, I'm only joking." May himig nang panghihingi ng tawad ang sabi niya. Nakita niya ata sa expression ko ang takot.

Kumurap-kurap uli ako, I was doing this now to remove the tears that attempting to fall again. Sinimulan kong tanggalin ang botones ng bluse ko, ng zipper ng palda ko, ng lock ng bra ko. Sa proseso nang pagtatangal ng saplot ko hindi ako huminga. Naramdaman ko na naman ang naramdaman ko noong halos hubaran ako ni Prof. Adolfo sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Kahit na ayoko ng ganitong pakiramdam patuloy pa rin ako. Patuloy, patuloy, patuloy hanggang sa hubo't hubad na ako. Ibinalik ko ang focus ko kay Owen. Kailangan ko na naman siya. Kailangan kong palitan niya ang mga kamay na ayokong hawakan ng taong 'yon. Kailangan kong palitan niya ang pakiramdam na dinulot sa akin ni Prof. Adolfo. Kailangan ko si Owen para tuluyang mabura sa akin ang nangyari noong araw na iyon.

My Painkiller✔️Where stories live. Discover now