37: The Win

8.4K 186 8
                                    

Nice!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nice!

Naghiyawan lahat ng mga tao nang makapuntos na naman ako. Talaga namang nasa zone ako ngayon. Na fired up ako sa huling usapan namin ni Papa. Magba-basketball ako para sa pamilya ko at para hindi na niya masabing bad influence si Chan.

"The hell, bro!" Binigyan ako ng fist  bump ng mga ka-team ko. Si Mario bigla na lang tumalon sa likod ko.

110-93 ang score. Lamang kami.

"Good job!" Bati sa akin ni coach.

"Sabi ko naman sayo, coach, kahit walang practice 'tong si Owen kaya niya." Pagyayabang ni Mario.

Natapos ang game ng masaya. Sobrang masaya dahil natalo namin ang champion last year. May game 2 kami uli next week dahil kailangan naming dalawang beses silang talunin dahil may twice to beat advantage sila. Sa locker room pinaalala sa amin ni coach na wag daw kaming masyadong magdiwang. Hindi pa raw ito championship.

"But let's enjoy the night!" Masayang sigaw ni coach. Manlilibre na naman kasi siya.

This time mas marami kami. May mga faculties, families at girlfriends na kasama. May mga families talaga na na libre rin. Parang fiesta.

"Come on, let's get out of here." Bulong ng babaeng katabi ko. Kasali siya sa cheerleaders. We had a thing once in a while. Basta pag gusto niya lang ako lapitan. Siya ang klase ng babaeng wala akong problema. Willing ng
' no string attached'.

"Hindi pa ako tapos kumain," anong pangalan niya uli? "Gella."

"Kailan mo pa inuna ang ganyang klaseng gutom?" Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko papunta sa hindi dapat marating ng kamay niya.

Tinitigan ko lang si Mario. Buti naman napadaan ang tingin niya sa akin. Sinenyasan ko siya na tulungan niya ako.

Tumayo naman siya at pumunta sa akon."Dude, yosi muna." Bulong niya pero sadyang pinarinig kay Gella.

"Tara," laking pasalamat ko kay Mario. Pagkalabas namin yayakapin ko sana siya pero tinapik ko lang balikat niya. Baka kasi kung ano na namang kalokohan ang maisip niya. "Thanks,"

"Kailan mo pa tinanggihan si Gella? Dude, pag si Gella hindi ka umaayaw. Tapos pagkatapos n'yo parang nanalo ka sa lotto sa sobrang ngiti mo."

"Ikaw, kelan ka pa nagyoyosi?" Pag-iiba ko ng usapan.

Sinuntok niya ako sa braso. "Hindi ako nagyoyosi. Sinalba lang talaga kita."

"Salamat,"

"Why change of heart? Si Owen the great..." Umakto siyang parang may hina-hump, "tinakasan 'yung chicks? Sabihin mo loyal ka na ba talaga dyan sa girlfriend mo?"

"Anong girlfriend pinagsasabi mo dyan?" Nakakita ako nang naglalako ng candy. Tinawag ko siya para bumili. Binigyan ko rin si Mario.

"Wag mo na itago sa akin Orbiso. Kilala kita, gago ka. Hindi ka mapirme sa isang babae. Sino 'yang nagpabago sayo huh? Sabihin mo na kun'di tatadyakan talaga kita."

"Tadyakan mo!" Kung ano-anong pinagsasabi ng lalaking 'to. "Babalik na nga ako sa loob."

"Sige, ganyan ka. Kala mo ise-set up kita kay Gella mamaya."

Napabalik ako. Sobrang lapit ko sa kaniya. "Langhiya ka, sasabihin ko na manahimik ka lang." Halos ibuling ko na sa kaniya. Baka may makarinig.

Nanliwanag mata niya. "Sige sino? Magsalita ka na! Hindi matatapos 'tong gabing ito (actually chapter) pag hindi ka umamin."

Binulong ko sa kaniya. Wala namang makakarinig. Gusto ko lang talaga ibulong. Para kasing nakakahiya.

Dinaig naman niya ang nalaglag ang panga. Nanlalaki pa ang mata niya tapos parang pwede ko na ipasok buong daliri ko sa ilong niya. Priceless.

Natawa na lang ako. Naputol lang 'yon nang suntukin niya ako sa braso. Malakas at nasaktan talaga ako sa suntok niya ngayon. "Dafvk! Masakit 'yon!"

"Gago ka talaga! Wag si Chan--" Tinakpan ko bibig niya.

"Shh! Bakit ka ba nagagalit? Kala ko ba si Verra gusto mo?"

"Hindi 'yun dude. Si Chantalle, ibang babae 'yan. Hindi siya 'yung mga babae mong halos itapon ang sarili sayo. Tangina mo. Hindi kayo bagay. Tska pag nagsawa ka sa kaniya masasaktan lang siya."

Nanahimik ako. Tama siyang hindi kami bagay ni Chantalle.

"Kahit hindi kami close no'n alam kong hindi siya papatol sayo kung hindi mo ginamitan ng pang-aakit mo."

Napangisi naman ako. Mababaliw talaga ako pagkausap ko itong si Mario.

"Ano na? Ngingisi ka na lang dyan? Putakte! Napapamura ako ng sobra ah. Naano mo na ba siya?"

"Ano bang tanong 'yan?" Napatalikod ako sa kaniya. Handa na akong pumasok.

"Langhiya ka talaga! May nangyari na sa inyo!"

"Manahimik ka na nga." Nagmamadali akong pumasok.

Buong gabing ang sama ng tingin ni Mario sa akin. Nagmadali na lang akong umuwi para wag na ako kulitin ng mokong na 'yon. Sa bahay ako umuwi. Binati ako ni Dad sa pagkakapanalo namin.

"I told you, you have that talent in you. Don't waste it." Masayang sabi ni Papa.

Panira naman 'yon sa araw ko. "I may have talent for basketball but I don't have the passion for it."

Pumasok ako sa kwarto at kaagad na nag shower. Saglit lang. Pagkatapos humiga na ako sa kama. Nakakapagod din ang araw na ito lalo na't halos buong game nakasalang ako sa court.

Napabangon ako uli kasi narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sino nag-text. Si Mario lang pala at mahigit 50 messages pa galing sa ibang tao. Nakakatamad basahin.

Nagtext uli si Mario. Ayoko sana basahin kaso napindot ko.

Mario: Tumakas ka
Mario: Panong si VP eh hindi naman kayo close?
Mario: Sandali, naaalala ko hinanap ka nya noong isang araw. So kayo na non?
Mario: Magkwento ka nga.
Mario: Wag mo siya sasaktan.

Dinaig pa niya babae sa mga text niya. At para pa siyang protective brother umasta.

Tumunog uli phone ko. May bagong message galing kay Chantalle. This time, hindi na ako tinatamad.

Chantalle: Congrtas!

Nagreply naman ako kaagad.

Owen: Thanks. musta pala ang debate?

Chantalle: Exhausting but nailed it 😊

Owen: Good. Congrats. Pahinga ka na.

Chantalle: You too

Owen: G'night

Patulog na ako pero tumunog na naman ang cellphone ko. Pagkabasa ko si Chantalle uli.

Chantalle: Night

Hindi ko na kinaya. Pagkabasa ko nakatulog na rin ako.

My Painkiller✔️Where stories live. Discover now