52: The Witness

8.9K 224 24
                                    

"Ma, ang aga pa!" Reklamo ko nang mapansin kong nasa kwarto ko na si Mama at binubuksan ang kurtina ng bintana ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma, ang aga pa!" Reklamo ko nang mapansin kong nasa kwarto ko na si Mama at binubuksan ang kurtina ng bintana ko.

"Anong maaga pa? Owen Orbiso uminom ka na naman ba? Pinagbigayn kita kagabi ng may naghatid sayong ibang babae dito sa bahay pero kailangan mo nang makatanggap ng sermon ko ngayong tanghali."

Sht! Ang sakit ng ulo ko. Idagdag pa ang boses ni Mama. Sumisigaw talaga siya. Wala naman kasing makakarinig sa kaniya dito sa soundproof kong kwarto bukod sa tao sa loob. Ako 'yon.

"Akala ko nagbago ka na? Pag nalaman ito ng papa mo malilintikan ka! At pag nalaman ito ni Chantalle malalgot ka talaga! Nambabababae ka na naman!"

Naalala ko 'yung kagabi. May bet akong babae. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na 'yon. Ang kaso kahit na anong gawin kong make-out sa babaeng 'yon hindi ako nadadala. Tulad noong isang gabi na kasama ko yung med student na babae. Sa huli pinaamin ko na lang siya tungkol kay Arden at Chantalle tapos umuwi na rin ako.

"Ano na? Anak naman! Saan ka ba nagmana?"

'Yung babae kagabi sinigawan ko na pag hindi niya ako iuuwi magwawala ako. "Ma, in love ako."

"In love kanino naman? Doon sa babae kagabi?"

"Kay Chantalle, Ma."

"Eh bakit may iba kang kasamang babae?"

Hindi ko nga rin alam. Maraming dahilan eh. Una dahil nagkabalikan na ata si Arden at Chantalle. Panagalwa, parang tinataboy ako ni Chantalle dahil hindi niya matanggap ang pag-amin ko sa kaniyang mahal ko siya. Pangatlo, sinusubukan ko nga kung libog nga lang ba ito. Fvck, if this is lust then I could bang all those girls I met yesterday.

"Kung ako sayo maligo ka na at magbihis. Manananghalian na. Alam ng papa mo na nandito ka. Pagnadatnan ka niyang hangover malalagot ka."

Umupo ako at parang lantang gulat na tumayo.

"Wag kang sasabay kumain sa amin. Sasabihin kong inutusan kitang kunin ang stapler ko. Bilisan mo na."

Sinunod ko siya. Tanghaling tapat nasa WVU ako ng araw ng linggo. Walang katao-tao dito bukod sa dalawang guard at kay Prof. Adolfo. Nakasalubong ko siya pero hindi ko tinangkang kausapin siya. Mainit ang dugo ng matandang 'yon sa akin.

Sa office ni mama nakita ko kaagad 'yong stapler niya. Hindi naman niya talaga kailangan iyon. Ang gusto lang niya pagbalik ko matino ako sa harap ni papa. Kaya naghanap ako ng Advil at tubig na maiinom. Umidlip din ako saglit. Nagising lang ako ng mag-ring ang cellphone ko.

"Save yourself later Mario. Sa bahay ako umuwi kagabi." Alam ko kasing papagalitan niya ako. Nakita niya akong umalis kahapon at alam niyang magpupunta na naman ako sa bar.

"Pag hindi ka nagpakita mamayang gabi sa akin malilintikan ka."

Tinapos ko na ang call. Napagpasyahan ko na ring umalis at bumalik sa bahay. Sa paglabas ko ng building nakasalubog ko naman si Dillon, isa sa lalaking pinagseselosan ko. Sobrang close kasi nila ni Chantalle. Nagkukulitan pa lagi.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon