46: The Goodbye

8.8K 163 11
                                    

"Come again?" Baka kasi nabibingi lang ako o kaya may ibang kahulugan ang sinabi niya tulad ng 'tapusin na namin itong pag-uusap na ito kaso kailangan mo nang bumalik sa practice game mo'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Come again?" Baka kasi nabibingi lang ako o kaya may ibang kahulugan ang sinabi niya tulad ng 'tapusin na namin itong pag-uusap na ito kaso kailangan mo nang bumalik sa practice game mo'.

"Thankful ako na lagi kang nandyan sa tabi ko pagkailangan ko nang makalimot sa lahat ng problema ko. Owen, you're like my savior, friend, doctor..."

"Uh, so what's the point of this?" Tila ba kalahati ng katawan ko nawalan ng lakas. Parang hindi na nga ako makakatayo sa kinauupuan ko.

"Ayoko nang guluhin ka pa. Ayoko nang kunin ang oras mo sa pamilya mo, sa basketball at sa music mo."

Wala akong masabi. Napapaisip ako sa mga past relationships o sabihin na nating fubu ko. Hindi ko na nga mabilang eh pero sa pagkakaalala ko may isang tao na ring unang umayaw at nakipaghiwalay sa akin.

"A-and you're Owen The Great! You don't settle for less let alone just me, right?" May himig nang pag-aalangan sa boses niya pero patuloy pa rin siya.

"Chan, stop." I warned her.

"Owen, mali rin naman kasi 'to–"

"Why are you saying this?" Nakakuyom na ang mga kamao ko at nagpipigil akong magtaas ng boses katulad ng ginawa ko noong gusto niyang makipaghiwalay sa akin dati.

"I think we both don't deserve this. I don't deserve all your... kindness. Mabait ka at mapag-alaga. Kung sa babaeng mahal mo ginagawa ang mga bagay na ito sigurado akong hindi ka niya hihiwalayan."

"Bakit mo ako hihiwalayan kung ganoon?"

Napamaang siya. Kanina hindi niya ako tinitingnan habang nagsasalita siya ng ka-bullshitan niya ngayon nakatingin na siya sa akin na para bang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko. "You're not saying..."

Hindi ko alam pero hindi niya ba narinig ang sinabi ko sa kaniya kagabi? "The hell, Chantalle."

"Ano?" Nagitla siya sa sinabi ko.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Nagtataka kung bakit nagpapanggap siyang walang narinig. Alam kong narinig niyang sinabi kong mahal ko siya. "Sa tingin mo ba nandito ako kasi wala lang? Lagi kitang sinasamahan pang good time lang? Pinakita ko sayo ang kwarto ko na kahit isa sa mga kaibigan ko walang nakakapasok. Pinakita ko sayo ang hilig ko dahil gusto ko lang magyabang? Sa tingin mo ba aaksayahin ko oras ko sayo kung hindi kita ma—"

"Owen!" Sumigaw siya. Tumayo pa siya sa kinauupuan niya at lumayo sa akin. Panay iling niya at para bang masakit sa kaniya ang pag-amin ko. "Please," pumiyok siya.

"Please, what? I don't get it Chan. Don't you feel anything—"

"Please, Owen, please don't say it." Nakatingin siya sa akin ng may awa, lungkot at takot.

My Painkiller✔️Where stories live. Discover now