43: The Sorry

8.8K 165 5
                                    

Kanina pa ako tumutugtog para lang wag akong masyadong mag-isip ng masama sa gagawin ko sa event namin sa Saturday

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kanina pa ako tumutugtog para lang wag akong masyadong mag-isip ng masama sa gagawin ko sa event namin sa Saturday. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa naiisip kong performance na gagawin ko. Pero ayokong palampasin ang pagkakataon na 'yon para ipakita sa iba ang gusto ko talagang gawin at 'yon at ang musika. Chance na 'tong bigay ni Chan kaya dapat wag ko nang pakawalan.

Gusto ko ring sanang gamitin ang pagkakataon na 'yon para iparating kay Chan na gusto ko talaga siya. Not just fucking her. Not just making everything secret between the two of us. Not just pretending. I want her to know that I–

"You know what? I'm just going home."

Napalingon agad ako kay Chan. Tumayo siya sa kama ko at nagpunta sa pinto. Papalabas na siya pero pinigilan ko.

Napatayo ako kaagad at ipininid uli ang pinto. Napayuko rin ako para tingnan siya. "What are you doing?"

Naghintay ako sa sagot niya. Nagtaka na ako kung bakit ang tagal niyang sumagot. Gusto kong makita ang mukha niya pero nakatalikod siya sa akin. Mukhang walang balak humarap sa akin. Ang weird niya nitong mga nakaraan araw.

"Uuwi na ako." She finally said after a few seconds.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Para kasing iniiwasan niya na naman ako. Lagi na lang siyang ganito, 'yung tipong abot kamay ko na siya tapos biglang lalayo. Gusto kong malaman kung ano ba talaga tumatakbo sa isipan niya.

"Huh? Hindi ah, pagod lang ako." Pilit siyang tumawa. Hindi niya pa rin ako nililingon.

Damn! May nagawa na naman ba akong mali? Akala ko okay na kami tungkol doon sa issue na uminom ako last time. Nalaman niya bang uminom na naman ako after game?

"Tungkol ba 'to sa hindi ko pagsipot noong gabing sabi kong ipagpapatuloy natin..."

"Grabe ka! Not that, I'm fine with that. Owen I'm not angry." She assured.

"Nakainom ako noon. Dalawang beer lang naman."

Napaharap na siya sa akin. Sa sobrang lapit ko sa kaniya nagulat at napaatras siya. "So you drink?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Nagkayayaan ang team. Pero swear good boy na ako. 'Di ako uminom ng marami. 'Di nga lang ako makapunta rito kasi inasikaso ko si Mario na sobrang lasing."

Natawa si Chantalle. Totoong tawa. Kita ko sa mukha niya eh. "I can picture him." Nawala rin ito nang magtama ang tingin namin. "Owen, hindi naman sa pinagbabawalan kitang uminom. Wala naman akong karapatan para pagbawalan ka. Ang akin lang wag kang magpapakita ng lasing sa harap ko. Kung pwede lang wag amoy alkohol."

My Painkiller✔️Where stories live. Discover now