Chapter 11

753 40 2
                                    

Callie's POV

Napakunot ang noo ko habang tinititigan si Reverie. Nakangisi sya sakin ngayon at tinititigan rin ako.

Matapos kong balakin na patayin sya at manganib ang buhay ko sa kanya. She wants to be my friend? She's insane. She's just wasting her time. I don't even need a friend. Kung si Celestina nga, di ko pinapayagan, tapos sya pa kaya? Tsk.

"Kain na tayo, ilang minutes lang ang break natin." Napalingon kami kay Celestina habang dala dala nya ang mga pagkain na pinabili namin. Kasunod sila Austin at Marco na may dala ring mga pagkain.

Nagsiupo na ulit sila sa may table tsaka nilapag ang mga pagkain.

Inabot na sakin ni Celestina ang bread with chocolate filling na pinabili ko, "Sigurado ka bang yan lang ang gusto mong kainin, Callie?" Tanong nya sakin nang may pagtataka.

Tumango lang ako habang hindi tumitingin sa kanya at binubuksan sa plastic ang pagkain ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tinititigan nya pa rin ako at parang hindi pa kuntento sa sagot ko.

Nilingon ko sya, "I'm okay. Busog pa ako kaya ito lang ang binili ko."

Minsan talaga hindi sya nakukuntento sa patango tango ko lang. Nginitian nya nalang ako tsaka sya nagsimulang kumain ng pagkain nya. Nagsimula na rin kumain ang iba pa naming kasama.

Tinitigan ko naman ang hawak kong pagkain tsaka kumagat lang ng kaunti. Nginuya nguya ko 'to habang nakakunot ang noo ko. Kahit kelan talaga hindi ko nagugustuhan ang kumain. Ni hindi pa ako nakakaranas ng gutom mula pa nung bata ako. Kahit once a week lang akong kumain, ang sigla sigla ko pa rin.

Ganito ba talaga ang katawan ng pagiging isang half demon? Pano ako lumalakas nang walang pagkain? Sa pagpatay?

"Nga pala Callie, two weeks nalang, birthday ko na. May napili na agad ako na resort sa may batangas."

Tiningnan ko si Austin nang may pagtataka, "Dun ka magcecelebrate? Bakit di nalang sa bahay nyo?" Malaki naman ang bahay nila para sa event na ganun eh, pero bakit sa malayo pa ang gusto nya?

Diba twenty-one pa ang debut ng lalaki? Eh magna-nineteen palang sya ah, tapos bongga na, sa resort pa. Well, it's his choice, not mine.

"Gusto ko ulit kasing makakita ng dagat eh. And of course, you're invited, Callie." Ngiting sambit nya at agad nag-sip ng juice.

Mga mayayaman talaga, hindi praktikal.

Tumingin si Austin kay Celestina at kay Reverie na katabi nya lang, "Pati kayong dalawa, you're invited to my party." Paanyaya nya sa dalawa.

"Salamat sa pag-imbita, Austin." Ngumiti ng matamis si Celestina sa kanya.

Nanatiling walang imik si Reverie habang pinaglalaruan ang pagkain nya, "Ganito pala ang lasa nito." Rinig kong bulong nya sa sarili habang titig na titig sa pasta nya.

Tumawa ako sandali. First time nya atang makatikim ng carbonara. What an ignorant.

"Kahit hindi ako invited, sasama pa rin ako dahil nandun si binibini at kailangan ko syang bantayan." Napatingin ako kay Marco na katabi ko lang. Punong puno ang bibig nya ng spaghetti habang sinasabi nya yun.

This guy have no manners

Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Austin sa kanya, "Hindi ka sasama."

"Sa ayaw o sa gusto mo, sasama ako." Matigas na tugon ni Marco.

Eto na naman sila.

"Sino ka ba talaga kay Callie ha?" Pabulyaw na tanong ni Austin.

Nilapag ko ng medyo padabog ang pagkain ko sa table at sumandal sa upuan tsaka nag cross arm. Palipat lipat ko silang tinitigan ng masama kaya napaiwas naman sila ng tingin sakin.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon