Chapter 53

246 15 1
                                    

Callie's POV

"Ang ganda mo pala talaga sa malapitan. I think I like you." Bulong nya sa tenga ko na ikinataas naman lahat ng balahibo ko. Nakakakilabot na nakakadiri sya tumingin. Wala kasing mic na hawak ang 18 roses kaya free na free sila sa kung anuman ang sasabihin nila sakin. Kung pwede ko lang syang sapakin ngayon, ginawa ko na. Manyak.

Nanatili lang akong nakangiti sa kanya kahit gustong gusto ko na syang bigyan ng 'fuck-off-look' ko. Lumapit rin ako sa may tenga nya at bumulong, "Ngayon ko lang din na-realized kung gaano ka... kapangit sa malapitan." Kitang kita ko naman sa mukha nya ang hiya na may halong inis nang makalayo ako ng konti sa kanya. Mas nilawakan ko ang ngiti ko, "Know your limits, asshole. I might kill you with your fucking gestures."

Hindi na maipinta ang mukha nya kaya binitawan nya na ang kamay ko kasabay ng paglakad nya sakin palayo. Get lost, asshole.

Hindi ko na maitago ang pagod sa mukha ko. Hindi ko na rin ma-feel ang pagtugtog ng banda. Ilang minuto pa lang akong nakatayo dito pero ang sakit sakit na ng paa ko. Hindi naman mga pamilyar ang mga mukha ng mga sumasayaw sakin. Di ko alam kung saan nakuha ni Celestina lahat ng mga lalaking yun. Siguro sa school, masyado kasi syang friendly. Kung ako naman ang pipili, wala akong masyadong kilala. I'm still an assassin, duh. Tsk. Gusto ko nalang umupo.

"Mr. Hector Feliciano."

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ng MC ang sunod na lalaking isasayaw ako. Teka, all this time, nandito sya at pinapanood ako? Pero paano sya nakasama sa 18 roses kung hindi naman sya kilala ni Celestina?

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka dyan? Di mo ba inexpect na nandito rin ako?" Bungad nya nang makalapit na sya at maibigay na ang red rose sakin. Tumawa sya, "Gusto ko rin naman makasali dito bilang importanteng tao rin sa buhay mo." Inabot na nya ang kamay ko at beywang tsaka nya ako isinayaw. "At tsaka para namang hindi mo ako kilala, kayang kaya kong ibahin ang pangalan sa listahan ng 18 roses mo" Dugtong nya kasabay ng pagtawa nito.

Tumawa rin ako pero halata dito ang pagkapeke, "Don't worry, hindi ko pa nakakalimutan na may utang ka pa sakin. Kailangan mong pagbayarin ang pambubogbog mo sakin sa power pop girls mo."

"Woa. Ang wild. Sige na nga. Pagbabayaran ko na, basta wag lang buhay ko ah? Hahaha!" Tsk. Ang tanda tanda nya na, para pa rin syang bata. Loko-loko. "Happy birthday, Callie. Kahit di ko pa rin alam kung ano ka, you still rock nigga. Hahaha!" Pagkatapos nun ay binitawan nya na ako at naglakad na palayo. Wala talaga syang matinong sasabihin.

"Mr. Austin Radford."

Nilingon ko agad si Austin.
Lumapit agad sya sakin nang matawag ang pangalan nya tsaka inabot ang isang tangkay ng red rose. Nginitian nya ako tsaka isinayaw, "Hmm. Happy birthday, Callie. You're so beautiful tonight."

Hindi ako umimik sa sinabi nya. Binigyan ko sya ng pilit na ngiti. Medyo na-awkwardan lang ako sa sitwasyon. Madalas ko kasing maalala yung mga panahong na-inlove sya sakin. Yung mga panahong nasa beach kami at birthday nya. Feeling ko kasi I ruined his birthday when I rejected him.

"Gusto ko sanang mag-sorry."

Kinuotan ko sya ng noo, "For what?" Ako dapat ang magsorry diba?

"Naaalala mo pa ba nung mga bata pa tayo? Nung pinuntahan kita sa kwarto mo at pinilit kitang ipakita ang kanang mata mo? Hm. I'm sorry kung natakot ako nun and I know it made you feel horrible."

Bumuntong hininga ako, "No, it's alright. Normal lang na matakot ang lahat sa mata ko."

"No, Callie. Na-realized kong mali ako. Naging trauma yun sakin kaya pilit kong pinapasuot sayo ang eyepatch mo para lang hindi ko makita. I'm sorry." Natahimik kaming dalawa pero agad ulit syang nagsalita, "You're really beautiful, Freya. I really mean it. Kaya nga na-inlove ako sayo eh." Napaangat ang labi ko nang marinig ko ulit ang pagtawag nya sakin ng tunay na pangalan ko. Namiss ko ang pang-aasar nya kapag tinatawag nya ako nyan sa public area.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Where stories live. Discover now