Chapter 26

419 26 4
                                    

Callie's POV

"CELESTINA!"

Bumagsak na sya sa may damuhan at tila nawalan na ng buhay. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Agad na nag-init ang mga mata ko at maluha luhang pinagmasdan si Celestina.

Nanlalambot ako. Ang sakit sakit ng dibdib ko na para itong binagsakan ng malaking bagay sa biglang pagbigat nang nararamdaman ko. Patay na ba sya talaga? sabihin nyo sakin na biro lang 'to.

Lalapitan ko na sana si Celestina sa pwesto nya nang may biglang dumaplis na bala sa may bandang pisngi ko. Napatigil ako at napatingin sa harap kung saan napapalibutan ito ng maraming puno. Kahit madilim, alam ko kung saan sila mga nakapwesto. Hindi pa nga pala tapos 'tong mga 'to. Patuloy pa rin sila sa pagbabaril sakin pero hindi naman sumasakto talaga sakin ang mga bala nila. Mukhang nataranta ata sila dahil buhay pa ako matapos nilang sunugin ang bahay ko. Anak yata ako ng demonyo. tsk.

May dumaplis ulit na bala sa may braso ko. Napahigpit ang hawak ko sa rifle na kanina ko pang hawak. Muntik nang tuluyang mayupi ang hawakan nito sa lakas ng pwersa ko dito.

Mabilis kong itinaas ang rifle ko at itinutok sa kanila. Handa na akong kalabitin ang gatilyo nito. Pero nagulat ako nang may sumulpot na isang babae doon. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim. Pero naaaninag ko pa rin kung nasaan sya. Mabilis syang gumalaw at pinaslang lahat ng gustong bumaril sakin. Halatang hindi sya normal na tao dahil may nakikita akong ibat't ibang kulay ng liwanag kanina na para bang isa 'tong mahika habang pinapaslang nya ang mga ito.

Naglakad na sya papalapit sakin habang unti unti nang nagliliwanag ang mukha nya dahil sa mga street lights at pati na rin sa nasusunog ko pa ring bahay. Hanggang sa makilala ko kung sino sya, si Reverie. Nginitian nya ako, "I'm glad that you're still alive."

Di ko na sya pinansin pa. Nilagpasan ko sya at napabitaw na sa rifle na hawak ko. Agad kong nilapitan si Celestina na nakahandusay at bahagya akong lumuhod rito. Bumalik na naman ang bigat sa dibdib ko. Hindi sya pwedeng mamatay.

Hinawakan ko ang wrist nya tsaka tiningnan ang pulso nya.

"Wag ka mag-alala, demonyo. Buhay pa rin sya."

Reverie's right. She's still alive. Nararamdaman ko pa ang pag tibok ng pulso nya. Parang nabuhay ang dugo ko dahil sa pagkakaroon ng pag asa. Nakakapagtaka lang, kitang kita ko kung paano pumasok ang bala sa may tyan nya at paano ito lubusang nagdugo.

"Tandaan mo demonyo. Anghel pa rin sya kahit nag anyong tao pa sya. Medyo matagal nya nga lang ma-heal ang sugat nya dahil naka anyong tao sya."

Napapikit ako ng madiin at napahinga ng malalim. Tama si Reverie. Anghel nga pala sya. Bakit ba hindi ko yun naisip kanina?

Pero kanina kasi, naramdaman ko na naman yung takot ng pagkawala ng mga mahahalagang tao sa buhay ko. Ang iwan na naman ako. Bumalik na naman yung ala-ala sa nakaraan ko. Yung sakit na nararamdaman ko. Ayoko. Hindi ko na kaya pang iwan ako ng mga tao sa paligid ko.

Dahan dahan kong ibinangon si Celestina at ipinatong ang kanang braso nya sa balikat ko. Sinundan naman ako ni Reverie tsaka tinulungan ako para ipatong din ang isa pang braso ni Celestina sa balikat nya. "Saan na natin sya ipupunta demonyo?"

"Kay Mr. Zedd sana, kaso..." Napatingin ako sa nasusunog na bahay ko, pati motor ko nasunog din. tsk. Malakas lakas pa rin ang sunog. Maya maya rin, makakaabot na ang balitang 'to sa may labas at makakarating na ang mga pulis dito. Kailangan na namin makaalis sa madaling panahon, ang kaso wala akong sasakyan, malayo layo pa ang lalakarin namin papuntang labas.

"Wag ka nang mag-alala, demonyo. May madaling paraan ako dyan."

Kinunotan ko ng noo si Reverie sa sinabi nya. Bigla nalang syang nagsabi ng lengguahe na hindi ko na naman alam at tila nagliwanag ang paligid namin na sobrang nakakasilaw.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon