Chapter 28

418 25 7
                                    

Reverie's POV

Hinawakan ko ang kamay ni Ina habang nakahiga sya sa may kama. Mahimbing syang natutulog at may mabigat ring nararamdaman.

Bumalik agad ako sa mundo ko pagkatapos ang nangyari kay demonyo at kay Celestina sa nasunog nilang bahay. Maayos ayos na ang sitwasyon nila ngayon kaya gusto ko munang kamustahin ang kalagayan ni Ina dahil patuloy na syang nanghihina. Hindi ko maiwasan na bawat minuto ay pabalik balik ako sa mundo namin dahil sa pag-aalala sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Matagal nya nang itinatago ang sakit nya sakin at ngayon ko lang 'to nalaman nang mas tumindi pa ito, kaya siguro gusto nya na agad ibigay sakin ang korona dahil sa kondisyon nya. Naikwento nya na sakin na nakagat daw sya ng isang bampira noong labanan. Masyado itong nakaapekto sa paggamit nya ng mahika kaya habang gumagamit sya ng mahika, patuloy rin syang nawawalan ng lakas. Iba talaga ang epekto ng kagat ng bampira sa aming mga mangkukulam.

Biglang gumalaw ang kamay ni Ina. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Iminulat nya ang kanyang mga mata at nang mapansin nya ako ay agad nya kong nilingon.

Nginitian nya ako. Umupo sya sa kama nya, "Nakauwi kana pala ulit anak. Kanina ka pa ba nandito? Kumain kana ba?"

Nginitian ko rin siya ng tipid, "Kararating ko lang po Ina at busog na busog na po ako sa mga masasarap na pagkain dun sa mundo ng mga tao Ina." Sagot ko sa kanya, kahit hindi pa ako kumakain dahil pinuntahan ko sya agad.

"Ganun ba? Kamusta naman doon ang kaibigan mong demonyo?" Tanong nya sakin.

"Okay na po sya ngayon, medyo nasa panganib lang ang buhay nya Ina."

"Talaga?" Pinanlakihan nya ako ng mata pero agad nya rin 'tong inalis at tumingin sa taas. Inilagay nya ang isang kamay sa baba nya tsaka ito hinimas himas na parang may iniisip, "Kung sino man ang nagtatangka sa buhay nya, ipakain mo sa ating alaga na si Shiki. Ayokong mawalan ka ng kaibigan." Seryoso nyang saad.

Alaga namin na dragon si Shiki at sya ang madalas na nagbabantay sa buong mansyon namin rito. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ugali ni Ina sa pagiging kwela nya kahit matanda na sya.

Napatawa ako ng mahina. Ang supportive nya talaga sakin sa kahit na anong bagay, hindi nya ako pinipigilan sa mga gusto ko tulad ng pakikipagkaibigan ko sa isang demonyo at maging ang dati kong kaibigan na bampira na si Marco kahit na maraming ayaw na mga kalahi namin sa mga ginagawa ko.

Napakagat labi ako tsaka napayuko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko at hindi makita 'to ni Ina. Nanghihina at nanlalambot rin ako sa tuwing naiisip ko na sa mga oras na'to maaari syang mamatay dahil sa pagkaubos ng kanyang mahika sa katawan. Inuubos ng simpleng kagat na iyon ang kahit na anong mahika.

Natatakot ako, natatakot akong maiwan. Masakit.

Nabigla ako nang ipinatong ni Ina ang kanyang kamay sa balikat ko. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ang mukha nyang may pag aalala, "Anak, ayos ka lang ba?"

Napangiwi ako sa tanong nya. Ayokong nag aalala pa sya sakin sa kabila ng karamdaman na dinadanas nya.

Nilapadan ko ang ngiti ko, "Ayos lang ako Ina! Sige, aalis muna ako. Magpahinga ka muna po."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin nya. Naglakad na ako palabas ng kwarto tsaka nilabas ang isang portal gamit ang spell ko. Gusto ko munang makalayo ako sa mundong ito, gusto ko munang ilabas ang hinanakit kong ito.

Pinunasan ko ang natitirang luha ko kanina. Bumungad sakin ang kulay itim at naghalong lila na portal habang paikot ikot ito, "Võta mind eemale sellųst kohást" bigkas ko sa spell para malaman ng portal kung saan ko gustong magtungo.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon