Chapter 14

588 33 1
                                    

Austin's POV

I was about to go at Freya's house to just inform her kung saang beach sa batangas i-cecelebrate ang birthday ko. Alam ko naman na pwedeng ipagpabukas nalang ang pagsasabi sa kanya tungkol dito, pero I'm just too excited na sabihin sa kanya lahat ng yun at makasigurado na rin na pupunta sya sa birthday ko.

Hindi ko rin kasi sya agad naabutan sa school kanina dahil nag extend ng oras ang teacher namin kaya much better na puntahan ko nalang sya sa bahay nya.

Ililiko ko na sana ang kotse ko upang tumungo na sa bahay ni Callie, kaso agad ko tong inihinto nang may marinig akong putok ng mga baril.  At parang may pumapagaspas din ng malaking pakpak? Huh?

"Tangina! Ano yan?!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Agad akong bumaba ng kotse at ikinasa ang baril ko. Sino naman kaya ang nagbalak na pumunta sa tagong lugar na bahay ni Callie at nagpapaputok? Sumandal ako sa may pader at sumilip ng konti sa eksenang nagaganap. Nanlaki ang mga mata ko. What the fuck? Ano tong nakikita ko? Totoo ba ito?

Bumalik ako sa pagkakasandal at madiin na ipinikit ang mga mata ko tsaka bumalik ulit ako sa pagkakasilip. Hindi nga ako namamalik mata. Tama nga ang nakikita ko, may puting pakpak si Celestina at medyo nagliliwanag din ang kanyang buong katawan.

May pulang mga mata, mahahabang kuko at matutulis na mga pangil sa bibig din si Marco. Mabilis nyang napatay lahat ng mga lalaking nagpapaputok kanina.

Para akong tinaasan ng balahibo sa nakikita ko, nakakakilabot na nakakagulat. Halatang hindi sila mga normal na tao.

Agad ko rin nakita si Callie nang itulak nya ang nakayakap sa kanyang si Celestina at nadismaya sa nakita nyang patay na ang mga lalaking umatake sa kanila.

Di pa rin talaga 'to nagbabago. Pero mas ikinakagulat ko ang mga nakikita ko ngayon. Hindi sila mga tao.

"Wag kayong tatakbo, kundi papatayin ko kayo isa-isa." Napatingin ako sa tinutukan ng baril ni Callie.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kapatid ko na kasama ang mga kaklase nya.

Napahigpit ako ng hawak sa baril. Puta. Bakit sya nandito? Alam nya ba kung gaano kadelikado ang ginagawa nila?

"May kinalaman ba kayo sa nangyari? Kasama ba kayo ng mga lalaking yun na gustong pumatay sakin?"

Agad naman nauutal na sumagot ang isa sa mga kaklase ni Kate kay Callie na papalapit 'to sa kanila, "W-wala kaming kinalaman dun."

Please Callie, wag ang kapatid ko. Baka kung ano ang magawa ko at pagsisihan ko pa sa huli. Agad na lumapit ang dalawa kay Callie at pinigilan nito ni Celestina sa gagawin nya.

"Ako na ang bahala sa kanila binibini." Masiglang sagot ni Marco.

Tinitigan nya ang tatlong babae, kasama na dun ang kapatid ko. Hindi ko gaanong marinig ang mga sinabi nya rito pero kitang kita ko ang pag pula ng kanyang mga mata kasabay ng pagkawala sa sarili ng tatlo.

Anong ginawa nya sa kanila?!

Patungo na ang tatlo sa pwesto ko kaya tinago ko na ang baril at hinintay sila sa kinatatayuan ko.

Hinigit ko agad si Kate at hinawakan sa magkabilang balikat, "Anong ginawa nya sa inyo? Sinaktan ka ba nila?"

Hindi sya sumagot. Nakatulala lang sya. May halong dark red na din ang kanyang mga mata. Ganun din ang mga kasama nya.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon