Chapter 52

260 15 3
                                    

Zedd's POV

It's already dinner time pero wala pa ring nangyayari. Inip na inip na akong magpanggap na mabait sa kanya at nawawalan na rin ako ng ganang kumain. Bakit hindi pa rin nangyayari ang gusto kong mangyari? Dapat kanina pa sya patay.

Tiningnan ko sa malayo ang mga tauhan na inutusan ko para patayin si Freya. Tatlong babae at dalawang lalaki. Nakikihalubilo rin sila sa mga guests upang hindi sila mahalata sa kanilang binabalak. Akala ko ba magagaling ang binigay na mga tauhan sakin, eh bakit ang babagal nila kumilos?

Tiningnan ako ng isa sa mga tauhan ko. Nakasuot sya ng black dress habang may hawak syang wine glass. Nginitian nya ako na parang sinasabing sila na ang bahala. Aba, dapat lang, malaki ang pera na ibinayad ko sa kanila.

Nilingon ko si Callie, she's now wearing her dark blue cocktail dress at kasama nya na ngayon ang anak ko at ang iba pa nyang mga kaibigan sa iisang table, while I'm here with my negotiators and still acting like her caring and loving Tito Zedd. Agad din namang lumapit sa kanya ang isang babae at tsaka sya binulungan nito. Tumango sya dito tsaka tumayo at naglakad kasama ang babae, pinapapalit na siguro sya ng another long gown.

"She's really beautiful, Zedd. Bagay na bagay sila ng anak mong si Austin." Ani ng babaeng katabi ko na isa rin sa mga negotiators ko. Nahuli nya akong nakatingin kay Callie at sya na ang nakatingin ngayon dito.

"She's right. Besides, tanggap mo naman sya para sa anak mo diba?" Singit ng isa pa.

Nginitian ko sila, "Of course. She's already welcome to our family and I'm happy to be his soon father-in-law." Biro ko naman sa kanila at tumawa naman sila.

"So, kailan ang kasal?" Tanong naman ng isa na ikinatawa ko naman.

Nasabi ko kasi sa welcome remarks sa buong guests dito kanina na tinuring ko ng anak si Callie and so I made this event for her. Naging espesyal na kaibigan din sya sa mga anak ko. Sinabi ko yun para lang hindi mareveal ang true identity ni Freya. And I guest this is the last chance na matutulungan ko sya. Dahil anumang oras ay sisiguraduhin kong mamamatay na sya. Pinaghandaan ko talaga ito para sa kanya, I even got a sniper out there kung sakali mang pumalya ang mga tauhan ko dito sa loob.

Ilang taon ko na syang pinapapatay pero hindi sya mamatay matay. This time, ayoko nang sumablay pa dito. Kung hindi man sya mamamatay ngayon, ako na ang papatay sa kanya. I don't know kung saan sya nakuha ng kapatid ko o kung ano ba talaga sya, basta ang alam ko lang ay magiging akin lang ang kompanyang itinayo ng kapatid ko. Akin lang.

Natigil ako sa pag-iisip nang umakyat na ulit ang MC sa stage. Napansin ko rin na nasa stage na rin si Callie, naka-vegas gold na ball gown na sya habang nakaupo sa mala-throno na style na upuan. It seems like it really fits for her. Like a queen.

Callie's POV

Mahinang ti-nap ng MC ang mic upang makuha ang lahat ng atensyon sa kanya habang maayos nakong nakaupo sa may harapan.

Tumikhim ako. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sanay na nasakin lahat ng atensyon ng mga guests dito. Nakaka-overwhelmed na lahat sila masaya at nakangiti ang mga labi habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil para na rin akong tanggap ng lahat.

"And now, here's the moment we have waiting for this special event. Our beautiful debutante will be surrounded by 18 candles and 18 roses with their sweet birthday messages." Nagpalakpakan ang lahat tsaka ulit pinagpatuloy ng MC ang kanyang sasabihin, "So, let's start with the 18 candles." Tumayo malapit sa may stage ang lahat ng 18 na mga babaeng nakasuot ng red straight long gown na may iba't ibang style ng sequins at may tig-iisa na rin silang nakasinding kandila sa kamay. Halos hindi ko sila mga kilala, si Celestina lang ata ang kilala ko dito. Yung iba parang mga kaklase ko.

The Half Blood Demon Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon