The Superstar: 2

28K 1K 92
                                    

N/N: 


Ngayon lang ay kinusap ulit ako ni JR (in real life)  wala lang, natatawa lang ako. HAHAHAHA!  Nakakapressure talaga, ngayon lang ako nagkaroon ng ganito karaming reads during Christmas Vacation, thank you so much!  <3  


Si Paulo yung nasa multimedia!   By the way dedicated ang chapter na ito kay KetSebastian, bye-bye hahahaha baka hindi mo na ito mabasa kasi wala ka ng internet, #WalangPoreberSaInternet.  LOLS. 


When He Smiles: 2



"In the end your smile brings me back to you."


JADE'S POV:


"Oy, Jade! Ang dami naman ng binili mong softdrinks!" Bati sa'kin ni Mama nang bumaba ako ng kwarto at nakasuot na ng uniform.


"May raffle kasi si Paulo! Three day vacation ang premyo, Ma!" Tili ko sabay talon.


"Dios Mio! Jade, disi-otso ka pa lang! Oo nga at bading ka pero dapat ipakita mo sa ibang bading na iba ka sa kanila. Magpayaman ka, 'wag puro lalaki ang inisiip!" Pangaral nito sa'kin at nag hair flip ako.


"Dean's Lister ako, nag-aaral akong mabuti at may matataas na grades. Sapat naman siguro na minsan eh maghanap ng jowa! Jusko mader, para namang hindi mo naranasan ang maging ganito noong teenager ka." Kinuha ko na ang baon kong isang bote ng softdrink at isang sandwich na ginawa ni Mama.


Kahapon habang kasama ko si Oning Bading sa supermarket, sinagutan ko ang halos 20 raffle tickets at sabay-sabay silang inihulog sa box. Kapalit naman noon ang halos 20 ring bote ng softdrinks na kaya na yatang supplayan ang isang buong children's party.


"Aalis na 'ko Ma!" Paalam ko at naglakad na ako papalabas ng pinto.


**


Nakarating ako ng University kung saan ako pumapasok na fresh na fresh pa rin ang itsura pero naging ilado ng makita ko si JR kasama si Denden at sabay silang papasok sa entrance. Oo masakit pa rin pero ano bang kailangang gawin? 'Di ba ang tanggapin?


Naglakad na ako papasok sa gate at alam kong tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Kailangan sa buhay alam mo kung kailan ka lilingon at kung kailan hindi. Alam mo dapat kung ano ang masakit, dahil kakailanganin mo 'yun kapag wala ka nang matakbuhan.


Pumasok na ako ng classroom at nginitian ako ng mga kaibigan ko, pare-parehas naming hindi gusto ang kursong IT pero pinush na rin namin dahil masaya naman ang paggawa ng kung ano-anong program.


"Musta ang pagbili mo ng softdrinks?" Panimula ni Hannah at natawa naman si Cindy.


"Nararamdaman ko talagang ako ang mananalo sa raffle." Conceited at confident kong sagot sa kanila.


The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now