The Superstar: 4

22.1K 906 69
                                    

N/N: 


Sorry sa medyo matagal na walang update, dahil sa pagpro-procrastinate eh kailangan ko na namang magmadali dahil malapit ng magpasukan, #EstudyanteProblems.  Magiging unreachable na naman ako sa social media.  Hahahaha!   By the way, nangyari talaga sa buhay ko ang mga nakalagay dito pati ang bakasyong ito hahaha #ShareKoLang. 


Yung island ay nasa taas!  Photo credits to the owner.  :)


Dedicated kay psychecruz, ayan na at naalala kong nag-request ka nga pala.  Thanks sa pagbabasa ng mga gawa ko hehehe!  :) 


When He Smiles: 4


"We could be a beautiful, miracle, unbelievable, instead of just invisible."


JADE'S POV:


Masaya akong nahiga sa kwarto, kakadating ko lang kasi mula doon sa Soda Company na may kinalaman kung bakit ang saya ko. Bukas na kasi agad ang bakasyon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko na si Paulo at kung ano ang mga sasabihin ko.


Humalukipkip ako sa unan at kinikilig, alam ko naman na impossible dahil nakatatak na sa isang fan ang salitang impossible. Pero maswerte pa rin ako dahil nation ang bakasyon na 'to sa college week namin kaya walang pasok.


Pipikit na sana ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nawala ang mga ngiti sa mukha ko dahil nakita ko ang pangalan ni JR.


JR: Hindi ka bang pupunta sa school bukas?


Dali-dali akong nagtype ng irereply. Ano naman ako bale? Ipagyayabang niya na naman yung Denden na 'yun, para saan pa 'di ba? Sasaktan ko lang ang saril ko.


Me: Sorry, hindi ako pupunta.


Pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay na ito sa ilalim ng una na nasa tabi ko. Kahit naman anong brainwash ko na gusto ko si Paulo, bumabalik pa rin si JR sa utak ko paminsan-minsan. Umayos na ako ng higa at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Alam kong hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng ganito, maraming bakla ang nakakaramdam ng ganito. Mahirap kapag alam mong may pag-asa kayo pero hindi niyo kayang gawin dahil ingat na ingat siya sa maaring sabihin sa'min ng iba?


Ngumiti na lang ako ng mapait. Kasi pwede na 'nun eh! Pwede ko nang ibigay ang sarili ko kay JR kung gusto niya rin ako. Dahil sa matinding pag-iisip napagdesisyunan na ng utak kong matulog.


**


Kinabukasan ng hapon, nagmamadali akong mag-impake ng mga damit. Push na push din si Mama dito dahil nga alam niyang matagal ko nang iniidolo si Paulo. Nang matapos kong isalansan ang mga damit sa bag, kinuha ko na ang cellphone ko at inilagay ito sa bulsa.


"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Mama habang nagwawalis ito ng tapat ng bahay namin.

The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now