The Superstar: 6

22.3K 832 60
                                    

N/N:


Noong naiisip ko ang kwento na ito ang original na title talaga niya ay My Straight Superstar, kaso mas gusto kong magsimula ng bagong series kaya ginawa kong The Dela Fuente Brothers, minsan nababaliw na ako sa mga ginagawa ko pero push pa rin!   


Dedicated ang chapter na ito kay KetSebastian ang taong may poreber pero ang sinusulat Moving On List, juskolord!  HAHAHAHA.  Thanks at nandyan ka palagi!  :)



The Superstar: 6


"I can't feel my face when I'm with you but I love it."


JADE'S POV:


Umaga na at nakita ko si Paulo na may dalang gitara at nasa dalampasigan ulit ito, hindi kami natulog sa kama kaya medyo masakit sa likod at malamig pa kagabi sa isang tent lang kami natulog pero magkahiwalay kaming dalawa.


Kumakanta ito ng mga putol-putol na salita habang patuloy na tumutugtog ang gitara nito, may papel siya sa kandugan at may mga nakasulat na parang tula. Napansin na nito ang presensya ko kaya bigla niyang tiniklop ang papel at ngumiti sa akin.


"Kamusta tulog mo? Goodmorning!" Masayang pagbati nito na binalikan ko ng ngiti. Umupo ako sa buhangin at sa tabi niya.


"Kailan ka natutong mag-gitara?" Tanong ko sa kanya at tila nag-isip pa ito.


"Bata pa ako, pinapasok kasi kami ng Mommy ko sa iba't-ibang lessons kapag bakasyon tapos nagustuhan ko rin naman ang mag-gitara kaya lalo pa akong nag-aral hanggang sa natuto akong mag-compose." Napatango ako rito, sabagay kapag napapanood ko yung mga tugtog nila sa youtube parang kakaiba na talaga siya mag-gitara, sanay na sanay na.


"Gusto mong kumanta ako?" Napabalik ang tingin ko sa kanya tsaka ako ngumiti nang malapad, chance na 'tong makita siya ng live at baka hindi na maulit.


"Ay maganda yung cover niyo ng Can't Feel My Face, napanood ko kasi sa Youtube."


Ngumiti ito sa'kin at inayos ulit ang kandong niyang gitara, nagsimula na itong mag-strum at kumanta.


"And I know she'll be the death of me, at least we'll both be numb

And she'll always get the best of me, the worst is yet to come

But at least we'll both be beautiful and stay forever young

This I know, (yeah) this I know"


Tumingin ito sa akin bago inilabas ang napakagandang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang plano nitong si Paulo, kung kasama ba 'to sa package ng bakasyon na pakiligin ako o totoo. Noong nawalan ako ng malay sa dagat, ramdam ko na sobra siyang nag-aalala, at ngayon naman kung makatingin siya akala mo may forever!

The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now