The Superstar: 7

20.4K 815 45
                                    

N/N: 


HAPPY NEW YEAR!  THANK YOU DAHIL GINAWA NIYONG SPECIAL ANG BUHAY WATTPAD KO, SANA NEXT YEAR NANDYAN PA RIN KAYO.  :) 


I've been listening to the song Brielle, wala lang naapektuhan ako na parang ewan.  Hahahaha!   Hanggang ngayon namimili pa rin ako sa magkakapatid na Dela Fuente kung sino ang isusunod ko kay Paulo.  Alam kong hindi masyadong maganda ang kwentong ito pero push lang, salamat nga at nakakuha pa 'to ng 1,000 Reads!  Thank you so much!  :) <3


Dedicated ang chapter na ito kay ErnestoPalaban, ay!  ErnestoPabalan pala, ang dahilan kung bakit nalaman ko yung kanta.  HAHAHAHAHA :) 



The Superstar: 7


"In my dreams you're touching my face and asking me if I want to try again with you and I almost do."


PAULO'S POV:


Hindi ko alam kung anong katangahan ang pumapasok sa isip ko, dalawang araw na ang nakakalipas simula ng makauwi ako ng bahay. Hindi ako lumalabas, sa kwarto lang ako at dito na rin kumakain.


Isabay mo pa ang problema ko kay Jade, alam kong marumi na ang tingin niya sa'kin. Umiwas lang naman ako sa kanya dahil gusto ko munang maka-move on sa past niya, pero hindi ko inaasahang mapapasok pala ako sa ganitong sitwasyon.


"Bro! Gusto ka daw makausap ni Kuya Howard!" Pagkatok sa'kin ni Kuya Ethan.


Padabog akong tumayo sa kama, masesermonan na naman ako. Ito lang nag mahirap kapag bunso ka.


Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong tinahak ang daan papunta sa office ni Kuya Howard, nauuna lang sa'kin sila Kuya Ethan. Nang makapasok ako sa office ni Kuya Howard ay nakita kong nakatayo si Kuya Ahron, si Kuya Ethan naman ay nakaupo sa clients' table ni Kuya Howard at siya naman ay prenteng nakaupo habang nakatingin sa laptop nito.


Sinasabi ko na nga ba!


"Do you think you know what you're doing, Paulo Dela Fuente?" Tanong sa'kin ni Kuya Howard at napatungo ako.


"I know hindi ako 'yan Kuya, wala akong matandaan!" Pagrarason ko at napailing lang si Kuya Howard.


"Malinaw ang mukha mo, Paulo! Hanggang ngayon hindi pa namin ma-trace kung edited ba talaga 'yan o hindi!" Hirit ni Kuya Ahron


"Makikipagkama ka na lang kasi, vinivideo mo pa." Natatawang saad ni Kuya Ethan na nagpakulo ng dugo ko.


"Ilang beses kong sasabihin na wala akong matandaan! Hindi ko alam kung anong ginawa niyang Czarina na 'yan, may mahal akong iba!" Pagpoproklama ko.


Umismid si Kuya Howard, "Sino? Yung baklang nakasama mo sa bakasyon?"


The Superstar (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara