The Superstar: Finale

29.1K 941 258
                                    

N/N:


Hindi talaga ako naglagay ng babala ng finale na ngayon, gusto ko lang kayong ma-surprise (as if?).  Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nakatuntong na sa chapter na ito.  Salamat rin sa pagtyatyaga sa panget na kwentong ito.  Hahahaha!   Pero 'wag kayong mag-alala, may iba pang kapatid si Paulo, mamili na kayo kay Howard, Ethan Race, at Ahron kung sino ang susunod.  Feel kong mas maganda yun dahil Summer Vacation ko gagawin.. :)


Hi rin nga pala sa mga tagabasang tahimik, hahahaha.  Minsan uso din magsalita mga bhe!  'Wag palaging tahimik, minsan sa sobrang tahimik mo, hindi mo na alam na nasasaktan ka na pala.  #Hugot.


Dedicated ang kwentong ito kay J.R. at kay Paulo, mga taong nagturo sa'kin ng lessons na babaunin ko forever, hindi mapapanis at hindi mabubulok.   Mahirap na friends pa rin tayo J.R. pero go pa rin ako kasi wala naman akong magagawa eh.  Buti na lang rin hindi ka nagbabasa ng wattpad, pero alam kong may chance na mahuli ako!  Oh well, that's life.



The Superstar: Finale


"But you are not the kind of boy who should be marrying the wrong girl."


**


Simula ng sumagot si Paulo sa kasal na sinabi ni Czarina, aligaga ang buong industriya ng showbiz dahil first time na nangyari ito na isang singer at isang magaling na aktres ang magpapakasal. Nagkaroon din ng balita sa radyo, diyaryo, at sa telebisyon.


Marami ring babae at bakla ang nagalit kay Czarina dahil alam nilang hindi magagawa ng iniidolo nilang si Paulo Dela Fuente ang sex video na 'yun. Isa rin naman rito si Jade pero pinipili niyang 'wag nang isipin ang mga sinabi ni Paulo sa kanyang babalikan siya. Ayaw niya munang umasa.


Dalawang linggo muli ang lumipas, at sumapit ng Linggo, ang araw kung saan magaganap ang kasal ni Paulo at Czarina.


Kasalukuyang nakaupo ang tatlong magkakapatid sa kwarto ni Ahron, kanina pa sila nag-uusap na tama ang gagawin nila.


"Sigurado ka bang hindi malilintikan si Paulo sa gagawin natin?" Alalang tanong ni Ethan kay Ahron.


"No, gusto ko lang ipakitang mali ang inaakala ng lahat tungkol sa'ting magkakapatid. Ikaw ba Ethan Race kakayanin mong magpakasal sa taong hindi mo naman mahal?" Balik nito at natahimik si Ethan Race.


"'Wag na kayong magtalo, pasalamat talaga 'yang si Paulo at spoiled siya sa'ting tatlo. Natatawa na lang ako sa Czarina na yan. " Napapailing na kwento ni Howard at natawa ni Ahron.


"Nakakatawa na lang siya, kuya." Natatawa ring sagot ni Ethan.


"Nakalimutan kong ite-text ko nga pala ang soon to be girlfriend.." Natawa ito, "Ay! Gayfriend pala ni Paulo."


The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now