The Superstar: 3

22.7K 934 39
                                    

N/N:


Sisihin niyo si Ibong_Maya kung bakit wala akong update!  Hahahaha!  Thank you sa lahat ng nagbabasa, nagco-comment, nagvo-vote, at nagbabasa ng iba ko pang mga gawa.  


Dedicated ang chapter na ito kay Ibong_Maya ♥  Dahil wala ng cupcake, hahaha. :) 



When He Smiles: 3


"If every simple song I wrote to you would take your breath away, I'd write it all."


PAULO'S POV:


Ako si Paulo Dela Fuente, isang sikat na bokalista pero ngayon nagiging isang normal na tao dahil sa pangi-stalk ko sa facebook ni Jade. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko o sadyang natutuwa lang ako sa mga ngiti niya.


Dahil lang sa ngiti nagkakaganito na ako?


Kailan pa ako naging ganito? Twenty-two years old pa lang ako at hindi ko nagawa ito sa mga naging girlfriend ko before na sa sobrang dami eh hindi ko na mabilang.


"Ganun? 19 na siya? Akala ko mga 17 pa lang eh." Pakikipagusap ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang info sa profile niya, gumawa ako ng dummy account para ma-add ko siya sa facebook at buti na lang inaccept niya ako


Umiling ulit ako at initsa ang laptop sa kama ko. Isang linggo na simula nang makilala ko siya pero araw-araw mayroon akong natutuklasan na kakaiba sa kanya, hindi pala siya ordinaryong bakla lang. Obvious na may ina-achieve talaga siya sa buhay at tuwang-tuwa ako na isa ako 'don!


Yun yun mga bro!


Nakailang post na siya about dun sa raffle ticket sa Soda Company, sana lang talaga siya ang manalo. Kung pwede namang mamili, siya ang pipiliin ko.


Ang laki ng prinoproblema ko. Ngayon ko lang nararanasan na mahirap talagang maging sikat, hindi mo alam kung paano maging normal. Hindi ko rin namang inaasahan na sisikat ako at madaming nag-aabang ng mga nilalabas naming kanta.


Simpleng banda lang naman kami nung College at na-discover lang at dun inilabas ang self-titled album namin na Semisonic at nagulat na lang kami na wala na itong tigil sa radyo, dahil dito napagdesisyunan naming magkaka-banda na iprioritize namin ang music namin at 'wag na munang magtrabaho, 2 years na kaming nasa industry pero hindi ko alam kung kailan ako titigil.


Si Kuya Ahron ang nagbigay sa'kin ng lahat ng information about kay Jade pero alam ko ang kapalit 'nun, baril. Gun collector kasi si Kuya Ahron unlike my other brothers na iba ang kinokolekta. Hindi kami madalas ring nagkikita ngayon dahil busy kami sa kanya-kanya naming mga buhay.


Ang maganda namang sa'ming magkakapatid eh lahat kami ay single pa! Babaero din kasi yung iba kong mga kuya, ako lang ang loya! Naks naman!

The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon