Chapter 20

1.1K 35 0
                                    

SCHOOL

***Gab's pov

Pagkapasok ko palang room namin ay agad na akong sinalubong ni Mariane.

"Gab! Sumama ka muna sakin.. may kailangan tayung puntahan.." pagmamadali niya.

"Ha?! T-teka.." hindi na ako nakapagtanung dahil sa kinaladkad na niya ako palabas ng school namin. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa hindi naman niya ako pinapansin..

Sasabihin ko panama sa kanya sana na mawawala ako nextweek after ng exam. Pupunta ako ng Californa kasama si ate Leah at hindi ito alam ni Mariane. Alam ko namang magtatanung siya kung bakit baka malaman niya pa na alam ko na ang lahat...

Bago ako umalis, kailangan ko munang makausap si Sean at Grey sa nalaman ko...

Kahit nag alit ako sa ky Grey dahil siya ang dahilan kung bakit nawala si Sheyna. Siya din ang dahilan kung bakit nasasaktan ang kaibigan ko ngayon. Hindi ko na hahayaan pang masaktan ulit ang kaibigan ko ng dahil lang sakanya. Aalamin ko lang kung sino ang kasama ni Sheyna sa California.

"There..."

Napabalik ako sa huwisyo ng huminto kame sa harap ng isang bahay. Napatunganga sa laki ng bahay. At doon ko lang narealize na parang pamilyar ang bahay na ito sakin... at hindi nga ako nagkakamali.

"What. The. Hell." Mahina kong sabi pagkabitaw nya sa kamay ko.

Nagstep forward siya sa harap ng gate.

"What the hell are you doing?!" tanung ko sakanya.

*DINGDONG!*

She press the button.

"Relax Gab, siguro naman naka move on kana sa past.." panunukso niya sakin.

MY BADNESS! HOW COULD SHE DID THIS TO ME?!

I'm in front of the house of my FUCKING-JERK-EX-BOYFRIEND!? ANUNG MUKHA ANG IHAHARAP KO SAKANYA?! UGGGH! Anung gagawin ko?! Tumakbo?!

TAMA?!

Tatakbo ako..

Hahakbang n asana ako paalis ng biglang bumukas ang gate.. at iniluwa nito si James. Si James Michael Francisco. Ang lalaking pinakamamahal ko...noon.

"Gabby?" gulat niyang tanung ng makita niya ako.

Hindi ko alam kung anu ang isasagot ko sakanya. Gustuhin ko mang tumakbo o tumakas ay hindi ko magawa. Parang nakadikit ang mga paa ko sa semento. Ramdam ko namang nanginginig ang buong katawan ko...

At hanggang ngayon ay ramdam ko paring mabilis ang pintig ng puso ko... dahil sakanya.

***James pov

Napatulala ako sa nakita ko.

Si Gabby... ang babaing pinakamamahal ko. Ang babaing iniwan ko dahil sa isang kasunduan. Masakit man pero wala akong magagawa. Iniwan ko siya dahil sa aking ama. Kailangan kong magpakasal sa anak ng kasosyo namin sa company para kang masalba ang companya namin... dahil kung hindi ako susunud, gagalawin nila si Gabby..

Alam kong galit siya sakin pero ginawa ko lang iyun para sa aming dalawa.

Parang nanghina ang buong katawan ko dahil sa nagkita kame ulit. At malaki ang kasalanan ko sa kanya. Sa pag iwan ko sakanya ng walang paalam. Nagpakasal sa iba sa dahilang pinilit lang ako ng aking ama...

"Gabby let me—" hindi ko na natapus ang pagsasalita ko ng bigla niya akong sampalin.

Mabilis niya akong pinagsasampal. Kaliwa't kanan ang pagsasampal niya akin at hindi ko iyun nakita dahil sa mabilis siyang nakalapit sakin..

"EXPLAIN EVERYTHING!?" sigaw niya sakin.

I deserved those slaps that came from her.

Tiningnan ko siya sa mga mata. Umiiyak nanaman siya ng dahil sakin. Wala na akong ibang ginawa kundi ang paiyakin siya. Bakit pa ba ako bumalik ditto kung masasaktan lang naman siya ulit.

Napaka LAKING GAGO ko talaga... tssk.

"G-gabby.." lalapit pa sana sako sakanya para hawakan ang kamay niya ng bigla siyang magsalita.

Napastep backward siya.

"Don't you dare..." pagbabanta niya sakin.

Humakbang ulit ako papalapit sakanya.

"Please.." pagmamakaawa ko.

Humakbang siya palayo sakin.

"Don't you dare... James.." pagbabanta niya.

"GABBY!!!" sigaw ni Mariane.

Kaya napatingin ako sa sasakyang paparating. At napatingin ako ky Gabby na nasa gitna nang kalsada.

"GABBY!!!"

****California****

***Sheyna's pov

"Gabby!!!" sigaw ko at napabangon ako sa pagkakahiga ko.

Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Masamang panaginip nanaman..

"Mommy?" napatingin ako sa ky baby Math na nasa tabi ko at kumusot kusot pa sa kanyang mga mata.

Siguro nagising siya sa sigaaw ko. Kaya niyakap ko nalang siya.

"Sorry baby..."

*Tok!*Tok!*Tok!*

"Grace?" tawag sakin ni Lee sa labas.

Boses palang niya alam ko na siya iyan. Naging mabait siya sakin at mapagmahal na asawa. At hindi ako nagsisisi na nagpakasal ako sakanya. Masaya na ako na kasama ko siya... pero parang kada mahahawakan ko ang kamay niya parang may bumabalik na alala sakin..

At hindi ko alam kung anu ba iyun o anu..

Parang pakiramdam ko nakilala ko na siya at... malapit siya sakin kaya madali ko lang siyang mahalin. Pero sino naman yung nasa panaginip ko? Ung batang lalaking sinisigaw ang pangalan ko..

"Pasok..." sabi ko at bumukas ang pinto at pumasok si Lee.

Napahawak ako bigla sa ulo ng bigla itong sumakit. Ugh... sa subrang lalim ng iniisip ko ay lalo lang sumasakit ang ulo ko...

"Okay kalang ba?" tanung niya sakin.

Bigla namang bumaba sa kama si Baby math at tumakbo papunta sakanya.

"Daddy.." agad na bumaba si Baby Math at tumakbo papunta sakanya.

Binuhat naman siya ni Lee at lumapit silang dalawa sakin. Umupo sila sa kama sa tabi ko.

"Nanaginip kananaman ba?" alalang tanung niya sakin.

Nagalala nanaman siya sakin. Sa mukha palang niya ngayon. Halatang halata ko na talaga siya. Kaya lalong akong na iinlove sakanya eh...

Napayakap ako sakanya.

"Oo," sagot ko.

Hinagud hagud niya ang likod ko habang buhat niya si Baby Math.

"Uuwi na tayo ng pilipinas" bigla niyang nasabi sakin ng ikinagulat ko naman.

Napatingin ako sa kanya. Parang nag aalinlangan siyang magsalita kaya kinabahan na talaga ako sa kung anu man ang sasabihin niya. Kinakabahan ako nab aka totoo ang napanaginipan ko tungkol ky Gabby.. isang masamang panaginip...

"W-why??" tanung ko sakanya.

Ramdam kong mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako... Parang natatakot akong malaman ang nangyari. Nakita kong naging seryoso ang mukha niya... at hindi nga ako nagkakamali sa napanaginipan ko...

"May nangyaring masama sa kaibigan mo." Seryoso niyang sabi.

Halus hindi madigest ng utak ko ang sinabi niya sakin. Kung ganun, totoo ang napanaginipan ko. Nasagasaan ng isang sasakyan si Gabby... at totoo pala iyun.. hindi nga ako nanaginip...



MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon