Chapter 29

838 31 0
                                    

****Clariz's pov

Napabangon ako sa kama ko at tinignan ang wallclock sa gilid ng pictureframe ko. 5:00 am palang naman kaya bumangon nalang ako at pumunta sa kusina pagkababa ko. Hindi rin naman ako makatulog kaya magluluto nalang ako ng pang almusal namin.

Teka...

Anu kaya kinakain ng mga buntis? hindi ko kasi alam eh. Hindi naman ako buntis. Teka matawagan nga si Kean.

Wala pang segundo ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello? Kean can i ask you?"

[Uy! ikaw pala.. anu naman yun?]Kean.

"Ahm.. anu ba pweding lutuin para sa mga babaing buntis?"deritsong tanung ko sakanya.

[HAH?! BUNTIS KA?!]Kean.

Napailayo ko naman ang cellphone sa tenga ko ng bigla siyang sumigaw.

"Huwag kang sumigaw?!"sigaw ko pabalik. Peste?! may balak ba siyang sirain ang tenga ko?.

[Ahm.. sorry. hehehe. Ahm. Ganun padin naman, bakit mo naman natanung yan?]Kean.

Kita mo to oh! napakachismoso talaga niya.

"Wala kana dun no! btw. Thankee! baboshhh!"sabi ko at binaba na ang phone baka humaba pa ang chismis naming dalawa at baka hindi pa ako makapagluto nito.

Wait.... tingin tingin sa kabinet...

Mabuti nalang at nang grocery ako kahapun. Galing ko no?! Umo-Oo ka sapakin kita eh. Mabuti nalang talaga at may mga ingredients pa ako dito. Naku naman Clarisa! Bukas na bukas mamalingki ulit ako.

Ayun..

Inihanda ko na ang lahat na gagamitin. Kaya kumuha na ako ng apron at nagsimula ng magluto. Ayieeeeh! Cheif Clariz! kasu Business Ad ung course ko. Galing no?!


****Ashlee's pov

Napadilat ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mabuti nalang talaga at hindi kami tinatablan ng sinag ng araw kundi malamang patay na ako ngayon.

Teka?

"Ugh!..ang sakit..."

Gosh! bakit masakit ang tyan ko? manganganak na ba ako? maliit panaman ang tyan ko ah?!

"Ugh!!"sigaw ko sabay hawak sa tyan ko na umbok peru hindi naman ganun kalaki.

Napaupo ako ng ayos at hinawakan ang tyan ko na sumasakit. Feeling ko may kumakain sa loob ng tyan ko. Ramdam ko ang paghina ng katawan ko.

"C-clariz!!"sigaw ko habang sumasakit ang tyan ko.

Ugh! anu ba baby?! ngayon kana ba lalabas?! huwag muna kasi hindi pa handa si Mommy at hindi pa kami nagkakaayos ng Daddy mo. Huwag muna...

Hanggang sa nanghina na ng tuluyan ang katawan ko at hindi ko na nakayanan ang sakit ay biglang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anu pa ang nangyari.


****THIRD Person Pov

"Master, alam ko na po kung saan siya nakatira."sabi ng lalaking naka hood.

Humarap ang lalaking nakaupo sa upuan at ngumiti ito ng masama  sa narinig.

"Good job."sabi nito at ngumiti ng masama.

"Sa wakas, makakapaghiganti nadin ako sa mga lahi nila. Hindi nila alam na hindi pa nagtatapus ang laban namin. Magsaya lang sila ngayon at baka isang araw, wala ng lintek na bampira sa mundo." sabi nito at tumawa ng masama.


-----------

vote.comment.read.share.


Every chapters are now shorter para madaling matapus at hindi kayu mainip :)) Salamat sa pagbabasa at supurta :))

Girlylooney :))

MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)Where stories live. Discover now