BLOOD#35

734 22 0
                                    


***Sheyna's pov

Pagkatapus kong patulugin si Baby Math ay inihiga ko muna siya sa sofa. Inihabilin ko narin siya sa ky Tita.

"Tita, alis po muna ako."pagpapaalam ko sakanya at binigyan niya nalang ako ng isang malungkot na ngiti.

Si Tita talaga, mahal na mahal niya si Gabby. Kaya bago ako umalis ay nagpaalam ako saglit sa ky Gabby na mahimbing na natutulog. Haaaiii, Gabby kalian kappa ba magigising? Miss na miss na kita.

Lumabas na ako ng room at hinanap ko kaagad si Grey. Pumunta ako ng canteen na nagbabakasakaling nandoon pa siya. Peru pagdating ko doon ay wala siya. Walang katao tao sa canteen. Kaya bumalik ako sa corridor. Kinuha ko ang cellphone ko at denial ang digits niya peru hindi ito nagriring.

"Grey..."

Naglakad ako papunta sa restroom para mag ayos. Peru sa kakahakbang ko ay napahinto ako sa labas ng room na katabi lang naming.

Rinig na rinig ko ang boses niya at ng boses ng babae.

"Kamukha mo talaga siya, Grey."

Kamukha? Sino? May kapatid paba si Grey? O baka naman mali lang ako ng pagkakadinig?

Lumapit pa ako sa pintuan ng room at inilapit ko ng kaunti ang tenga ko para mas madinig ko pa ang kanilang pinag uusapan sa loob.

"Baby Grey..."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko. Hindi ako nagkakamali.Si Ashlee ang nagsalita. Ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang natatakot akong malaman ang totoo. Hindi ako handa para sa katotohan...


"Grace?"


***Lee's pov


"Grace?"tawag ko sakanya habang nakatalikod siya.

Kahit na nakatalikod siya ay alam kong siya ito. Alam ko ang galaw at kilos niya halus alam ko na lahat ang tungkol sakanya.

Hindi niya ako nilingon kaya ako na ang lumapit sakanya. Hinawakan ko siya sa braso niya at hinayhinay ko siyang pinaharap sakin.

"Lee?"

Hindi nga ako nagkakamali.

"Grace? Anung ginagawa mo ditto?"tanung ko sakanya.

Peru hindi niya ako sinagut imbes ay niyakap niya nalang ako. Alam kong may problema nanaman siya.

Habang nakayakap siya sakin ay biglang bumukas ang pintu at iniluwa nito si Grey na may kandong na isang sanggol.

"Lee?... Sheyna?"gulat na sabi ni Grey.

Hindi ko inaasahan na magkaka anak na pala silang dalawa. Hindi rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon. Ganito na ba ako Katanga para magulat pa sag a ganitong bagay? Eh simula pa nga lang ay kagagawan na naming ito ng kapatid ko. Pinlanu naming na paglayuin silang dalawa.

Peru hindi ko talaga inaasahan ang lahat na ito na mangyayari. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari ngayon. Pati isip ko ay gulong gulong kahit na pakana na naming ang lahat. Ngayon ay mukhang alam na alam na ni Sheyna. Nagkamali nanaman ako sa paghakbang. Hindi ko manlang siya magawang matulong at napakasakit sakin na nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon...

At wala akong magawa para lang matulungan siya sa mga ganitong bagay dahil kahit na ako ay nahihirapan nadin.


MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon