Chapter 28

872 34 0
                                    

****Sheyna's Pov


Pagkatapus naming kumain ay pumunta kame sa hospital. Kanina ang weird talaga ni Grey. Kasi parang may tinatago siya sakin. Ganun din si Lee. Parang umiiwas na siya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Parang may nararamdaman akong tension sa mga titig nila sa isa't isa kanina. Bakit pa ba niya kasi ako pinayagan na pumunta sa hospital nang wala siya kung gaganyan ganyan din naman siya sa ky Grey.

Tapus tinanung ko siya kanina kung bakit nawala siya sa tabi ko kaninang umaga at bakit si Grey ang nasa loob ng kwarto namin at hindi siya?

Dami kong tanung no? Sorry lungs naman...

Oh? Nasaan na ba kame?

"Nandito na tayu. Umuna nalang muna kayu sa loob. Ipapark ko lang tong sasakyan." tugun niya sakin at binigyan ko nalang siya ng isang matipid na ngiti.

Pagkahinto niya sa harap ng hospital ay agad kong kinuha ang bag ko at ang gamit ni Baby Math. Actually, hindi dapat nasama dito si Baby Math kasu itong si Grey ay pumayag. Wala daw siyang makakausap. Anung ibig niyang sabihin?! hindi ako tao?! HELLO??

"Halika kana Baby. Susunod nalang si Tito Grey mo." sabi ko sa ky baby at kinuha siya at binuhat.Bumaba na ako ng sasakyan. Sariling sikap. Napaka GENTLEMEN naman kasi ng kasama ko. Graveh. Subra. Umaapaw.

"I'll call you later."sabi niya at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng hospital at hinanap ang room ni Gabby. Hindi naman ako nahirapan kasi tinext na sakin ni Tita ang room number niya kaya heto ako ngayon...

"Tita okay na po ba siya?"tanung ko sa mommy ni Gabby habang nakaupo ako sa tabi niya.

Bakas sa mukha niya na malungkot at subrang natatakot na baka may mangyaring masama sa anak niya.

"Ang sabi ng doktor ay okay naman daw siya peru nasa coma parin siya."malungkot niyang sabi sakin kaya niyakap ko nalang siya.

"Magiging okay din po siya Tita."sabi ko sakanya para naman kahit papanu mapagaan ko ang loob niya.

Naging Mama ko din naman siya noong iwan ako sa kanya ni Mommy. Peru kahit ganun hindi ko makuhang magalit sa ky Mommy at nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Gabby. Hindi naman kame magkalayu ng edad na dalawa at pati nadin sa mga gusto namin. Parehas lang kame ng taste kumbaga. Kaya mapagkakamalan mo kaming magkapatid.

"Anak, baka nagugutom kana may pagkain akong dala dito."sabi naman ni Tito habang kandong niya si Baby Math na kumakain ng chocolate.

"Okay lang ako Tito, baka si Tita po.."sabi ko.

Binigyan niya nalang ako ng sign na nagpapahiwatig ng 'Oo'. Kaya tumayo na ako at kinuha ko sakanya si Baby Math.

"Baby labas muna tayo."sabi ko pagkakuha ko sakanya.

"Sige. Tito at Tita labas lang po muna kame."pagpapaalam ko sakanila.

"Sige anak."sabi niya at sabay nun ay lumabas na kame.

"Mommy, where's Tito GD?"tanung sakin ni Baby Math.

Hindi ko nga din alam kung nasaan na siya. Wait.. what?! GD?

"W-who's GD?!"ako.

"Tito Grey."matipid na sagot niya.

Wow ha!? suplada ng anak ko. Hinawaan siguro ni Grey ng pagkasuplado ito. Hindi naman ito ganito ah.


****Grey's pov

Pagkatapus kong ipark ang kotse ay bababa na sana ako ng may nahagip ang mga mata ko. Teka mukhang kilala ko yun ah.

Tama nga ang hinala ko.. si Leona. Anung ginagawa niya dito? at bakit magkasama silang dalawa ni Lee? matagal na ba silang nagkikita? at bakit hindi ko ito alam?! ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayari. Nakita kong lumabas si Sheyna sa hindi kalayuan. Kahit naman malayu ako ay kita ko padin siya sa malayu kasi nga isa akong bampira. Matalas ang pandinig at kita ang mga nasa malayu.

Astig no?

"Tito GD!?"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Parang mali ata ah. Dapat DG hindi GD diba Damon Grey. Teka...

"Oh baby Math!"tawag ko din sakanya kaya lumabas na ako ng sasakyan.

Tumakbo siya papunta sakin kaya lumuhod ako at niyakap siya at kinandong. Ang cute talaga niya manang mana sa Nanay.

"Kanina kapa niya hinihintay niyan."sabi naman ni Sheyna na kararating lang.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Napapalapit na talaga ang loob ko sa batang to. Kahit hindi ito galing sakin ay napamahal na talaga ako sakanya. Ang bait kasi at ang gwapu pa. Umangal ka at baka patayin kita.

"Totoo? baby Math?"tanung ko sakanya.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti ng napakalapad. Habang may mga chocolate siya sa gilid ng labi niya.

"Yes Sir!"masayang tugon niya sakin kaya ginulo ko nalang tuktuk ng ulo niya.

Tumayo na ako habang buhat ko si Baby Math ng biglang magsalita si Sheyna.

"Teka.. si Lee ba iyun?"tanung niya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Ate Leona at Lee.

Fuck! bakit ko nakalimutan yun?! andito pa nga pala sila. Patay.


MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum