BLOOD#41

847 21 1
                                    

***Grey's pov

Alam kong masakit. Pero wala na akong magagawa. KApag hindi ko pa ito ginawa. Madadamay siya. PAti si Lee.

Sobrang sakit pala kapag nakikita mong umiiyak sa harap mo ang babaing sobra mong minahal. Masakit man para sa akin pero kailangan kong gawin iyun para sa kanya.

Ngayon, hindi niya maiintindihan kung bakit ko ito ginagawa. Sana sa huli ay mapatawad niya ako. Kailangan ko munang mailayo si Ashlee at ang bata sa mga kamay ni Blaire.

Niloko niya man ako pero kaibigan ko pa din siya. Hindi ko anak ang iniluwal ni Ashlee. Anak iyun ni Blaire. Matagal na palang may nangyayari sa kanilang dalawa. Ang galing no? tapus ako namang si gago sinaktan ko pa si Sheyna.

Kaya ayun, umiyak at panigurado akong hindi na niya ako mapapatawad. Sobrang nasaktan ko talaga siya.

Babalikan kita Sheyshey kapag maayos na ang lahat.

Pagkalabas ko ng kanilang bahay ay agad akong pumasok sa kotse ko at mabilis itong pinatakbo. Mas mabuti ng ganito kesa naman makita ako ng mga kupal na unggoy na alaga ni Blaire.

Tssk...

Ang lalaking yun talaga. Kahit kailan hindi nagbabago. Ganun parin ang ugali. Kaya siya iniwan ni Ashlee dahil sa ugali niya.

Tsskk...

Sa ngayon, kailangan kong mahanap si Lee. Para ipaalam ang nangyayari ngayon. Saan ko nga ba siya hahanapin? Tssk..

*Sraaaaatch!*

"Nak nang!"

Bigla akong napahinto sa pagmamaneho ng may biglang tumawid. Nilinga ko ang aking mga mata kung may nabangga ba ako o wala. Hindi ako mapakali kaya lumabas ako ng sasakyan pero wala akong makitang tao.

Namamalikmata lang siguro ako.

Babalik na sana ako sa loob ng may biglang tumakip sa bibig ko. 

"HMMMMP!!"

Pilit kong kumawala sa kanya pero masyado siyang malakas kesa sakin. Uggh!! Sino ba to?!

"Huwag kang lumaban kung gusto mo pang mabuhay."matalim niyang banta sa akin kaya kumalma ako.

Unti-unti ring lumuwag ang pagkaka-gapos niya sa akin. Walang gaanung tao dito ngayon dahil isa itong tago na lugar. Bakit pa kasi dito ako dumaan. Nak nang!

Ilang sandali lang ay kumawala na siya sa akin.

"Damon."tawag niya sa akin kaya agad naman akong humarap pero....

*BOOOOOOOOG!*

Napatumba ako sa isang malakas na suntok na ibinigay niya sa akin. Tao ba talaga to?! kung makasuntok ang lakas eh.

"F*CK! What is wrong with--you?"napatingala ako at napanganga sa nakita ko.

"Lee?"kumunot ang noo ko. Hindi ko masyadong namukhaan kasi parang nag iba siya. Kaya pala ang lakas lakas niyang sumuntok sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya. Minukhaan ko muna baka namalikmata na naman ako. Am I really a vampire?? kasi parang malapit na akong hindi maniwala sa sarili ko.

"Its me, Damon. Pumunta ka ba sa bahay?"malungkot niyang tanong.

"Oo. Teka, saan ka ba galing?"

"Mahabang kwento. Kamusta si... Grace?"malungkot parin niyang tanong sa akin. Yumuko siya saglit at tumingin sa akin.

"Okay lang siya..."malungkot kong sabi sa kanya at napayuko ako.

Napasinghap siya ng hangin at ganun din ako.

"...pero iniwan ko na siya."dugtong ko sa sinabi ko sabay nun ang isang napakalakas na suntok na ibinigay niya sa akin kaya napahiga ako sa semento.

Mabilis siyang nasa ibabaw ko at hinawakan ako sa kuwelyo ng aking damit ng napakahigpit. Ramdam ko ang galit sa kanyang mga kamay at nakikita ko rin iyun sa kanyang mga mapupulang mata.

"Bakit mo siya iniwan?! Gago ka ba hah?! Mahal ka parin niya!? Hindi mo ba yun alam hah?!"galit niyang sigaw sa akin at pinagsusuntok niya ako.

Hindi ako lumaban sa kanya dahil tama naman siya. Sinaktan ko na naman ang babaing mahal niya. Ang babaing mahal naming dalawa. Niramdam ko ang galit at sakit sa pagkakasuntok niya sa akin kahit na may dugo na ang kanyang kamay.

Hindi ko man iyun gusto pero kailangan. Para din naman sa kanya yun. Oo alam kong gago ako pero sobrang mahal ko siya kaya ko yun ginawa. Mahal ko siya na halus buhay ko na ang kapalit dun.

Lahat ng yan gusto kong sabihin sa kanya ngayon pero hindi ko magawa dahil sa tanga ako at manhid siya.

Napaka tanga ko dahil hindi ko manlang magawang sabihin sa kanya ang lahat. Napaka tanga ko dahil iniwan ko siya at sinaktan.

Manhid siya dahil sa hindi manlang niya naramdaman na mahal ko siya. Manhid siya dahil hindi niya maisip na lahat ng ginawa ko para sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto na pagsusuntok sa akin ni Lee ay huminto naman siya at kumalma kaya napatayo na ako at ganun din siya.

"Coward..."galit na sabi niya sa akin.

Napasinghap nalang ako ng hangin. Kahit papano nagising ako sa katotohanan dahil sa mga suntok na ibinigay ni Lee sa akin. Grabe, hindi ko alam na ang lakas pala niya. Mas lumakas na siya ngayon kesa noon.

"Salamat..."pagpapasalamat ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya sa narinig.

"For what?"tanong niya sa akin.

"Sa suntok..."sabi ko at nginitian siya.

"Anytime."

"Tara, marami pa tayong dapat gawin para sa nalalapit na pagkita sa kalaban."sabi niya at umuna na sa akin sa kotse.

"So, alam mo na pala..."sumunod naman ako sa kanya.

Napahinto ako sa labas ng kotse habang siya ay pumasok na. Hinintay ko ang sagot niya.Ilang minuto pa bago siya sumagot.

"Oo."sabi niya at pumasok na ng tuluyan sa loob.

"Ang lakas talaga ng pang amoy mo."nasabi ko nalang at pumasok na din ako at saka ko pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.


MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon