CHAPTER 7

3.7K 190 4
                                    

Psalm 55:22

Cast your cares on the LORD and he will sustain you; he will never let the righteous fall.




*****


AKIRA POV



Akira, please. Wag kang sumama sa kanila.




"Akira, mabuti naman at gising ka na."



Napatingin ako kay Inaki na nakatayo malapit sa kama ko.



Panaginip ulit. At sya na naman ang napanaginipan ko. Napabuntong hininga ako. Ang weird na talaga ng mga nagiging panaginip ko. Napanaginipan ko din kasi yung libro ko na nag-apoy nung hinawakan ko.



Pero teka, panaginip nga ba yung sa libro?



"Happy birthday!"



Naputol ang pag-iisip ko nang batiin ako ni Inaki. Ngumiti ako sa kanya. Birthday ko na pala. Pero mukang hindi makakauwi sina mommy at daddy. Mag-iisang linggo na din kasing hindi nila ako kinokontak. At hindi ko din sila macontact.



"Anak."



Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko at laking tuwa ko dahil nandito sila.



"Mom, Dad."


"Happy birthday our princess!"



Hinalikan ako sa noo ni daddy at si mommy naman ay niyakap ako ng mahigpit. Kumpleto na ang birthday ko dahil nandito sila.



"Dalaga na ang prinsesa namin."



Nakangiting sabi ni mommy. Hinawi nya ang buhok ko.



"Maligo ka na at magbihis. Hihintayin ka namin dito ng daddy mo."



Agad akong kumuha ng damit ko at nagpunta na sa cr para maligo. Pero bago ako makapasok sa cr ay napatingin ako sa digital clock ko.


5:30 pm?


Tama ba ang orasang ito?

I AM A NINE TAILED FOX TOO?Where stories live. Discover now