CHAPTER 9

3.9K 180 5
                                    

Isaiah 30:15

In returning and rest you shall be saved, in quietness and confidence shall be your strength.







*****


KANJI SHIN POV



Dalawang araw na mula nung birthday ni Akira at dalawang araw na din syang walang malay. Nag-aalala na ang hari at reyna pati na din ang konseho.



"Kamusta si Akira?"



Bulong sa akin ni Inaki, nandito kasi kami sa Nine Tailed Fox Academy. At walang ibang nakakaalam na nandito na si Akira, ang prinsesa ng mundo namin.



"Wala pa ding malay."


"Eh si Miro?"



Napatingin ako kay Inaki.



"Kanino ka ba talaga nag-aalala, kay Akira o kay Miro?"



Hindi na nasagot ni Inaki ang tanong ko dahil biglang nagbell na. Ibig sabihin ay umpisa na ng klase. At ako naman ay magttraining na bilang isang celestial fox.



"Sige na, pupunta na ako sa room namin. Baka andun na si Miro, sya na lang ang kakamustahin ko."



Napailing na lang ako at pinanood si Inaki na naglalakad palayo sa akin.




"Kanji."


"Ginoong Nandro."



Nagbigay galang ako kay Ginoong Nandro.



"Nararamdaman kong malapit nang magising ang prinsesa. At dapat ay nandun ka kapag nagising sya. Tara na."



Hindi ko man maintindihan kung bakit kailangang nandun din ako pero sumunod na lang ako kay Ginoong Nandro.





I AM A NINE TAILED FOX TOO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon