CHAPTER 29

3K 146 7
                                    

1 John 4:18

There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.







*****


INAKI POV


"Inaki, teka lang naman."


Pagkalabas ko ng kwarto ni Akira ay nagmadali na ako sa paglalakad dahil kay Miro. Kaso may lahi din ata syang kabayo dahil ang bilis din nyang maglakad. At konting konti na lang ay maaabutan na nya ako.


Kaya no choice, magteteleport na lang ako. Kaso bago pa man ako makaalis sa paningin nya ay nahawakan nya ako sa braso kaya nakasama sya sa pagteteleport ko.



At ngayon ay nandito kami sa secret place ko, ang tree house na binuo ni Papa noong bata pa ako.



"Ano ba naman Miro? Bakit ba ang kulit kulit mo?"


"Eh bakit ba kasi iniiwasan mo ako?"



Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang inis.



"Hindi kita iniiwasan, okay?"


"Hindi mo ako kinausap kanina.", parang batang nagtatampo na sabi nya.


"Tss."



Tinalikuran ko sya. Bumaba na lang ako ng tree house para mapalayo sa kanya. He's acting weird at hindi ko sya maintindihan.



"Tingnan mo, umiiwas ka na naman."


"Pwede ba Miro, wag kang umarte na parang walang nangyari. Tanggap ko na naman na hindi mo ako kayang mahalin eh. Kaya nga pinipilit kong kalimutan ka. At sana naman, tulungan mo akong makalimot sayo. Alam mo bang dahil sa ginagawa mong ito, nahihirapan akong kalimutan ka."



Wala na, umabot na sa dulo ang pasensya ko. At kung ano ano na lang ang nasabi ko sa kanya na dapat ay hindi ko sinabi. Gustong gusto ko na talagang magpalamon sa lupa ngayon para mawala ako sa paningin nya. Nakakahiya ang mga sinabi ko.



"Pwede mo naman akong hindi kalimutan eh."



Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon ay naiinis na ako at sa sobrang inis ko ay pinagsusuntok ko sya. At hindi ko na din napigilan ang umiyak.

I AM A NINE TAILED FOX TOO?Where stories live. Discover now