CHAPTER 30

3.2K 138 7
                                    

Hebrews 11:1

Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.






*****


AKIRA POV



"Sure ka na ba talaga na papasok ka na?"



Napatawa na lang ako kay Inaki. Pasampung beses na kasi ata nyang tanong sa akin yan.


Lunes ngayon at nakabihis na ako ng uniform at ready nang pumasok. Kaso itong si Inaki ay nag-aalala sa akin dahil baka daw hindi ko pa kayang pumasok. Ilang beses ko na namang sinabi sa kanya na okay na okay na ako.



"Akira kasi, sabi ng hari at reyna, magpahinga ka muna daw ng another week."



Kaya pala naman eh. Pinagbilinan pala sya ni mommy at daddy.



"Don't worry Inaki. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Pero sa ngayon, tara na dahil baka malate pa tayo."


"Pero okay na okay ka na talaga hah?"


"I'm more than okay. Now, let's go."



Hinila ko na si Inaki palabas ng kwarto namin. Namiss ko ang academy kaya hindi na ako papayag na another one week akong aabsent. At saka baka mainip lang ako sa dorm kapag ganun.



Pagkapasok namin sa academy ay medyo nakaramdam ako ng hiya at pagkailang. Lahat kasi ng estudyanteng nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi siguro sila makapaniwala na nakasurvive ako sa Deactivation Room. Kaya ganun na lang ang pagtataka nila na buhay pa din ako hanggang ngayon.



Binilisan na lang namin ni Inaki ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.



Nung una, magulo at maingay ang mga kaklase ko pero nung makita nila ako ay natahimik silang lahat. Para silang nakakita ng multo dahil sa mga itsura nila. Ako naman ay kinakabahan dahil baka may kung ano na naman ang tumapon sa akin katulad nung first day ko dito.



"Welcome back Akira!", sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko habang ako ay nagulat naman.



Lahat sila ay masayang nakatingin sa akin kaya napangiti na lang din ako. Nakarating ako sa upuan ko na walang tumatapon na kahit ano sa akin. Tama nga si Inaki, mabait ang mga kaklase namin. Siguro siningga lang sila ng kakulitan noong first day ko.

I AM A NINE TAILED FOX TOO?Where stories live. Discover now