CHAPTER 15

3.5K 154 6
                                    

Isaiah 26:3

You will keep in perfect peace him whose mind is steadfast, because he trusts in you.





*****


AKIRA POV



"Akira, gising na. Hui!"


Naramdaman ko ang pagtapik ni Inaki sa balikat ko kaya kahit ang bigat bigat ng mga mata ko ay pinilit kong magmulat. Parang nagulat naman sya sa itsura ko kaya nagtalukbong agad ako ng kumot.


"Bumangon ka na dyan, malalate ka nyan."


"Pwede bang wag munang pumasok?"


Antok na antok pa kasi ako dahil alas kwatro na nang madaling araw ata ako nakatulog. At isa lang ang dahilan kung bakit puyat ako. Tss.


"Ano ka ba Akira, second day mo ngayon sa academy tapos aabsent ka na agad?"


Tinangggal ni Inaki yung kumot na tumatalukbong sa akin, then binuksan nya ang bintana ng kwarto namin kaya pumasok sa loob ang sikat ng araw. Kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon pero nakapikit pa din.


"Halatang puyat na puyat ka, anong nangyari sayo?"


"Kasalanan itong lahat ni Shin, naku humanda talaga sya sa akin kapag nakita ko sya."


Nakapikit pa din ako habang sinasabi ko yan. Ang hirap kasing imulat ng mga mata ko, ang sarap pang matulog.





"Good morning!"


Hihiga na sana ako kaso biglang may nagsalita at hindi yun boses ni Inaki. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. At parang nawala lahat ng antok ko at nagising ng buong buo ang diwa ko.


"A-anong ginagawa mo dito?"


"Sa tingin ko ay ako dapat ang nagtatanong nyan sayo, my Princess."


Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at hindi nga ito ang kwarto namin ni Inaki, ibig sabihin nandito ako sa kwarto nya?


Ngumisi sa akin si Shin habang ako ay napalunok na lang. Ano na naman ba Akira ang ginawa mo? Bumaba ako sa kama nya at akmang lalabas na ng kwarto nya kaso hinawakan nya agad ang kamay ko.



Dug dug. Dug dug. Dug dug.


"Saan ka pupunta?"


"Sa dorm ko, b-baka malate na ako sa k-klase ko. P-pasensya na sa abala."

I AM A NINE TAILED FOX TOO?Where stories live. Discover now