CHAPTER 8

3.8K 195 5
                                    

Colossians 3:9-10

9 Do not lie to each other, since you have taken off your old self with its practices 10 and have put on the new self, which is being renewed in knowledge in the image of its Creator.




*****


KANJI SHIN POV



"Kunin nyo ang prinsesa."



Narinig kong sabi nung isang itim na lobo. Sa tingin ko ay sya ang naatasang maging lider ng grupong ito. Bigla akong naalarma dahil sa pakiramdam ko ay napakarami nila at hindi sila titigil hangga't hindi nakukuha si Akira.



Maraming beses nang tinangkang kunin si Akira dahil sya ang gagamiting panlaban sa aming mga puting lobo. Nagsinungaling pa nga ako noon at sinabi kay Akira na kaya lamang sya gustong kunin ng mga itim na lobo ay dahil sa akin.



"Akira, please. Hindi ko intensyon na itago sayo ang lahat. Ayoko lang kasing pangunahan ang mga magulang mo."



Akmang lalapitan ulit sana ni Miro si Akira pero lumayo lang ulit ito.



"Saka nyo na ayusin yang LQ nyo. Akira, tara na."



Or pwede namang wag nyo nang ayusin ang LQ nyo para naman mapansin na ako ni Akira. Pero syempre, joke lang yun.



Hinila ko si Akira paakyat sa kwarto nya. Susunod pa nga sana sina Miro at Inaki pero may mga nakapasok nang itim na lobo at kailangan nilang labanan ang mga ito.



"Kanji, ingatan mo sya."



Tumango lang ako at hinila na ulit si Akira. Wala namang nagawa si Akira kundi ang sumunod sa akin. Masyado na kasi syang natulala lalo na nung nakita nya ang mga itim na lobo.



Pagkapasok namin sa kwarto nya ay inilock ko agad ang pinto at nilagyan ng shield ang buong kwarto para hindi makapagteleport dito ang mga itim na lobo.



"Totoo silang lahat."



Mahinang sabi ni Akira. At ewan ko ba, hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya.



"Alam kong magulo pa sayo ang lahat. Pero ginagawa lang nila ito para sa kabutihan mo."


I AM A NINE TAILED FOX TOO?Where stories live. Discover now