CHAPTER 34

3.1K 127 7
                                    

2 Chronicles 7:14

if my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land.





*****


AKIRA POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko daw dito sa palasyo. Mula daw sa araw na ito ay dito na ako titira at hindi na din daw ako papasok sa academy. Nakakalungkot dahil hindi na normal ang buhay ko ngayon, I mean hindi na sya ordinaryo. Lahat sila ay mataas na ang tingin sa akin, lahat sila ay special ang treatment na ibinibigay sa akin.


Pinagmasdan ko ang buong kwarto ko. Malawak ito na kulay pink lahat ng mga gamit pati na din ang mga wall. Malaki ang kama, may walk in closet, malawak din ang banyo, at may verandah.


Nang mapagmasdan ko ang buong kwarto ay napagpasyahan kong lumabas muna sa may verandah. Gabi na ngayon kaya tahimik na ang paligid. Gabi na at tanging mga ilaw na lang ng mga bahay ang nagpapaliwanag sa paligid, idagdag din ang mga alitaptap na lumilipad sa ilalim ng mga puno.


Maaliwalas din ang kalangitan ngayon, punong puno ng bituin at napakaliwanag ng buwan. Sobrang peaceful ng gabing ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang simoy ng hangin na dumadampi sa mga pisngi ko.



Maligaya akong makita kang muli prinsesa.



Napamulat ako nung biglang may magsalita sa utak ko.



At napakaganda mo talaga prinsesa Akira.



Hinanap ko ang kumakausap sa akin ngayon at natulala na lang ako nung makita ko sya.


Nakangiti syang nakatingin sa akin habang ako naman ay napatulala na lang.


Hindi ako pwedeng magkamali, sya yung itim na lobo na kumausap sa akin noon. Sya din yung itim na lobo na gustong gusto akong makuha noon.


Anong ginagawa nya dito? Paano sya nakapasok sa kaharian? Akala ko ba walang itim na lobo ang nakakapasok dito dahil sa protective wall?


Gusto kong sumigaw at tumawag ng tulong pero hindi ko magawa. Para akong natuod sa pwesto ko at hindi ko na namalayan na nakalapit na sya sa akin.


Inipon ko lahat ng lakas ko para makalayo sa kanya. Umatras ako papasok sa kwarto ko habang sya naman ay sinusundan lang ako. Kaya ang aming naging set up ay aatras ako habang sya naman ay aabante.



"Nagpunta ako dito upang sabihin sayo na hindi mo pa alam ang lahat lahat tungkol sa pagkatao mo.", nakangisi nyang sabi sa akin.

I AM A NINE TAILED FOX TOO?Место, где живут истории. Откройте их для себя