Chapter 7: Undetailed Feelings

46 5 0
                                    


Chapter 7

Hannah's POV

Months past, sinusuyo nya lang ako. Psh! Sabi ko nga di ako nahuhulog sa ganyan! Aamin akong naging friends kami kahit labag sa rules ng school.

"Hannah, handa ka na ba?"

Ngayon ang nakatakdang paglalaban namin ng Lethal Mafia Org. And Xenon Mafia Org. Magtutuos tayo.

"Oo. Okay na."

"Bakbakan na to! Buhay o patay! Lalaban ako!" sabi neto ni Renz.

"Ang magandang lalake, di kailan sumusuko sa laban!" sabi neto ni Tristan. Hindi mawawala kay Tristan ang word na gwapo, magandang lalake, pogi at iba pang katawagan sa word na 'Gwapo'.

"Lianne, ready ka na?"

"Matagal na Miss Hannah."

"Yan ang gusto ko sayo. Tara na?"

Wala nang atrasan to Xenon Mafia Org. Magtutuos na tayo. Para sa kapakanan ng nasasakupan ko. Lalaban ako.

--

All assassins are wearing a mask. Hindi namin pwedeng ireveal ang sarili namin. Malalaman ng kalaban kung sino sino kami.

Barilan ang labanan. Marunong din makipaglaban sa Barilan ang mga taga-Xenon Mafia Org. Hindi lang sila kasing professional namin.

"Spread out everyone."

"Pero Miss Hannah, Mafia Princess ka. Bakit ka dapat sumama? Pinoprotektahan ka namin. Mananagot kami kay Master at kay Madame kapag may nangyari sayo." saad ni Tristan. Hindi, magiging patas lang kung pati ako lalaban. Hindi ako papayag na mamatay sila dahil lang sa pinoprotektahan nila ako.

"Kaya ko Tristan. Wag kayong mag-alala."

"Sigurado po ba kayo-"

*BANG!

Nagulat ako dahil may nagpaputok ng baril kung san ako nagtatago.

Nandito na sila.

"Let's Bring it on." sabay kasa ko ng baril. Laban na to. Wala nang atrasan.

--

Saldreix's POV

Eto na yung araw na magtutuos ang dalawang Mafia Organization.

"Sigurado kang sasama ka Dreix? Pinoprotektahan ka lang namin." sabi ni Drian. Ayoko.

"Sasama ako. Ayokong sugatan kayo. Bilang Mafia Prince, responsibilidad ko kayo."

Back to present, nasa gitna na ng laban. Barilan dito, barilan don.

Sa kabilang banda, may nakita akong babae na beteranong bumaril. Ako na ang bahala sa kanya.

Nakahanap na ako ng tyempo para barilin ang babaeng to nung tinutok nya rin ang baril sakin. Nakatutok lang ang baril namin sa isa't isa.

"Subukan mo. Mamamatay ka ngayong araw na to." sabi ng babaeng assassin.

"Psh." Isinandal ko sya sa pader na nakatutok ang baril namin sa isa't isa.

Ewan ko, pero nakakaramdam ako ng unusual feeling na naramdaman ko lang kay Angelique. Feeling ko, nakakaramdam ako ng paghanga.

Siguro dahil beterano sya para sa isang babae. Anong magagawa ko? Assassin sya!

"Anong gagawin mo?"

"Palalagpasin kita. Umalis ka na."

Ayoko tong nararamdaman ko. Kailangan ko syang layuan. Kay Angelique lang ako. Kay Angelique lang iikot ang buhay ko. Sya lang.

Umalis na ako't nagback-out lahat ng mga Gangsters. Kung sino ka man, malakas ang karisma mo.

Pero ang tanong. Sino ka ba? Sa likod ng maskarang yan, parang kutob kong kilala kita.





Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsWhere stories live. Discover now