Chapter 17: Hope

32 1 0
                                    


Chapter 17

Lianne's POV

Habang nangyayari na nga ang nasa plano nila, ako? Nakakulong parin. Araw-araw nila akong pinapabugbog sa mga gangster. Sa tuwing nagsasalita ako, nagpapaputok sila ng baril para tumahimik ako.

Ayaw nila akong palayain dahil alam ko ang lahat-lahat.

Naghanap lang ako ng tamang tyempo para makatakas. Sakto namang wala ang mga gangsters dito. Natanggal ko ang tali at thank heaven malapit lang ang susi kaya naabot ko kaagad.

Nakatakas ako! Oras na makarating ako sa Xenon at Lethal High, sasabihin ko to lahat.

--

Balak ko na sanang sabihin kaso lang, huli na pala ako.

Nangyari na.

Tapos na.

-End of Flashback-

Kung hindi nagkaroon ng family feud sa pagitan ng pamilya nila Hannah at Saldreix? Baka masaya na sana sila Hannah.

Kung hindi sinira ni Zerafin ang lahat, sana maayos ang ugnayan ng Xenon at Lethal High.

At kung hindi sumingit sa buhay ni Saldreix si Angelique, sila na sana ang nagkatuluyan.

Oo. Nagkatuluyan.

Dati akong naninilbihan sa bahay nila Saldreix. Kasambahay ang aking ina doon.

-Flashback-

Nagdidilig ako ng halaman sa bakuran ng mga Naranja nung may dumating na bisita.

Isa syang kagalang-galang na tao tulad ni Master Aldreix. Sa tingin ko, yan ang kaibigang matalik ni Master.

"Kyleshin!" tawag ni Master sa bisita nya. Sabi na nga ba't magkaibigan sila.

"Aldreix! Nice to see you again my friend." Kyleshin pala ang pangalan nya.

"Lianne, sya pala si Kyleshin. Sya ang bestfriend ko." napakabait sakin ni Master Aldreix. Para ko na syang ama.

"Magandang araw po sa inyo Sir. Kyleshin! Ikukuha ko lang po kayo ng maiinom."

"No need little girl. I'm okay. How old are you?"

"I'm 6 years old Sir."

"You're same as my daughter. She's 6 years old also."

"Sige na po Sir. Ikukuha ko na po kayo ng maiinom."

"Ahaha... If you want Lianne."

Kukuha na ako ng maiinom nung marinig ko ang pag-uusap.

"Dad! I'm going! ^___^" pupunta na ng school si Sir. Saldreix nun.

"Goodbye son. Take care, okay?"

"I will! Hi Uncle Kyleshin! When will I meet your daughter?"

"Soon Dreix. And when you grow up, you'll meet and marry her."

"Marry? Okay! I'll ask her to marry me when we grow up."

"Such a cute boy."

Umalis na si Sir. Saldreix kasama si Mama.

"Hay! I really want to have a son like Saldreix."

"How about Zephyr?"

"He's like Dreix but I want my daughter to soon marry a boy like your son. I don't want her to marry a guy who doesn't deserve her."

"Same as I. Ayokong maging asawa ng anak ko yung hindi ko pa nakikilala. Isa pa, ayoko ng lolokohin lang sya."

"Why don't we arrange them? So that in the near future, they will get married."

"I like that. It's a great idea friend."

At dahil doon, gusto kong makita ang sinasabing anak ni Sir. Kyleshin. Siguro maganda sya.

--

Dumating yung ilang taon, nakatakas ako sa pagkakakulong sakin nila Angelique at Patrick. Pumunta ako sa bahay nina Master Aldreix, gulo-gulo ang mga gamit. Parang nagkaroon ng gyera!

Bawat hakbang ko, nakakaramdam ako ng kaba.

May sumagi sa isip ko.

Si Mama.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa rooftop.

*BANG!

"MAMA!!"

Nakita kong bumagsak si Mama sa sahig. Naliligo sya sa sarili nyang dugo.

"Ma!! Gumising ka! Wag mo kong iwan!"

Pinatay ni Reineth ang Mama ko. Kasama ni Reineth si Angelique at Patrick.

-End of Flashback-

At lahat ng yan, ako ang nakakaalam. Kaya nga nung sumali ako dito sa Lethal Mafia Org., tinanong ako ni Cassandra kung pano ko nagawang ipasa ang pictures sa Xenon at Lethal High?

Dahil alam ko ang lahat ng impormasyon ng Xenon, Lethal at Zerafin High.

Ako ang susi ng buong katotohanan. Ako ang magbubunyag ng mga sikretong tinatago nilang dalawa ni Patrick.

Mula noon, isinumpa ko sa sarili ko, ipaghihiganti ko ang mama kong pinaslang nilang lahat.

Simula noon, nag-aral akong humawak ng baril. At sa loob ng isang taon, natuto akong humawak at gumamit ng baril. Gusto kong maging isang assassin para maipaghiganti ko si Mama.

Wala akong pakialam kung ibuwis ko pati ang buhay ko. Basta ang alam ko, gusto ko syang maisaayos. Gusto kong mangyari ang nararapat. Ibabalik ko ang lahat sa dati, kahit na hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng nanay ko.

--

Nandito ako sa park, naglalakad lakad.

Nangingibabaw sakin ang galit kapag naiisip ko si Angelique at Patrick.

Pero sa tuwing maaalala ko si Mama, nabibigyan ako ng pag-asa na ipagpatuloy ang misyon ko.

"Ma, tulungan mo ko. Matatahimik ka na oras na matapos na ang lahat."

Kung nasaan ka ma, gabayan mo ako. Tulungan mo ako.

Sana magawa ko.

Sana.

--

Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsWhere stories live. Discover now