Chapter 16: Lianne's Past

39 4 0
                                    

Chapter 16

Lianne's POV

Alam nyo ba kung bakit ako sumali sa Lethal Mafia Organization? Tungkulin ko ang bantayan ang parehong grupo.

Oo. Pareho. Alam kong balang araw, sila ang maglalaban. Kaya nga hangga't maaari, gusto kong magkaayos ang dalawa.

Sinira ni Zerafin ang lahat ng ugnayan ng Xenon at Lethal. Ang hindi alam ni Dreix, kasabwat si Angelique sa kagagawan ni Zerafin at ako ang tanging makakapagpatunay nun.

-Flashback-

Hindi pa ako assassin nun, pero nakarinig ako ng isang lalake at isang babae na nag-uusap sa isang lugar.

Nakakacurious kaya nakinig ako.

"Natatalo na ng Lethal High ang Zerafin High! Nakakainis!"

"Anong gusto mong gawin?"

"Di ba, matagal mo nang gusto si Saldreix?"

Saldreix? Di ba sya ang Mafia Prince ng Xenon High?

Nakinig lang ako at hindi umalis sa pwesto.

"Oo. At gusto kong mapasakin sya." sabi nung babae. So... Matagal na pala syang stalker ni Saldreix.

"Tulungan mo kong umangat ang Organization namin. Kunin mo lahat ng secret files ng Xenon and Lethal Org. After that, mapapasayo si Saldreix."

"Deal."

Kailangan nilang malaman to. Nasa panganib ang Lethal and Xenon High.

Tatakbo na sana ako nung biglang tumunog yung lata na naapakan ko.

"Sino yan?!" patay!

Saka ako kumaripas ng takbo. Natatakot ako! Baka maabutan nila ako!

*BANG!

Aray! Natamaan ang binti ko! Nadapa ako at hindi na makabangon dahil sa sakit.

"Please! Wag nyo kong patayin!" pagmamakaawa ko sa kanila.

"Sorry my dear." saka sya nagkabit ng silencer sa baril at ipinatama sakin, then everything went black.

--

Paggising ko, nasa isang liblib na lugar ako. Nakatali at nakakulong.

"Tulong! Tulungan nyo ko!" sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig sakin.

"Walang makakarinig sayo dito dear. Sayang lang lakas mo sa pagsigaw." sabi nung Babae.

"Palabasin nyo ko dito! Palayain nyo ko!

Wala akong ginagawang masama sa inyo!"

"Kaya lang kasi narinig mo na lahat. Alam mo ba kung bakit ko gustong idamay ang Lethal High?"

"Wala akong pakialam! Pakawalan nyo ko!"

"Magbestfriend ang dalawang Mafia Boss. Ang tinutukoy namin ay ang Xenon and Lethal Mafia Org. Pag-aawayin namin ang dalawa."

"Wala naman silang kasalanan sa inyo ha!"

"Kay Angelique wala, pero sa Organization namin meron. Inagaw lang naman ng Lethal at Xenon High ang dapat samin. Kung tutuusin, dapat kami ang pinakamataas na Mafia Group eh. Sadya lang talagang pasikat sila. Palibhasa magkaibigan." sabi naman nung lalaking katabi nung babae. Ang sama talaga!

Wala akong ilalaban sa kanila. Mahina pa ako noon. Wala akong paraan para makatakas.

--





Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsWhere stories live. Discover now