Chapter 9: Patrick Zerafin is back

42 4 0
                                    


Chapter 9

Hannah's POV

Busy ako sa school these past few days. Alam ko rin yung secret freindship neto ni Cass and Der. Ewan ko lang pero parang lumalayo ata si Cass kay Der.

"Good morning Miss Hannah. May nag-aantay daw sa iyo sa labas."

"Sino?"

"Hannah, wag ka nang lumabas." sabi ni Cass sakin.

"Bakit naman?"

"Hello Hannah."

Hindi. Namamalikmata lang ako.

"Aalis na ko. Busy ako. Pakisabi na lang sa ungas na yan na ayokong makipag-usap."

"Hannah Wait!" diretso lang ako sa paglalakad habang sya parang tanga na nakasunod.

Bakit ko sya lilingunin?

Traydor sya!

Di ko inaasahang yumakap sya sakin kaya napatigil ako. Nasa labas na kami ng Lethal High.

"Subukan nyong maglabas ng cellphone, babarilin ko kayo." sabi ni Cass sa mga nakakita.

Ayoko nang masaktan pa. Pinagkatiwalaan ko sya! Tapos gagaguhin nya lang ako? Pinagmukha pa'kong tanga? Wow!!

"Hannah, sorry na." sabi nya sakin. Wala akong nararamdamang sincerity sa kanya.

"Tigilan mo na ako Patrick. Ayoko na." nandyan ka lang kapag kailangan mo kong gago ka.

"Please lang Hannah!" pumiglas ako bigla sa pagkakayakap nya.

"Ayoko na sabi eh!! Naawa ka ba sakin nung iniwan mo ko?! You're such a bastard! Iwan mo na ako kung gusto mo pang mabuhay!" pananakot ko sa kanya. Ano tingin nya sakin? Laruan?!

Naglakad na ako palayo nung akmang lalapit pa sya.

"Teka Hannah-"

*BANG!

"Subukan mong lumapit, di ka na sisinagan ng araw bukas. Pasalamat ka at yan lang ang inabot mo. Baril pa lang yan sa may bandang binti pero akala mo mamamatay ka na? Gago ka."

Saka ko sya iniwanan dyan. Ayoko na. Pagod na akong masaktan.

--

Brian's POV

Kanina pa walang imik yan si Boss Hannah. Eh lagi namang talakera yan eh! Pareho sila ni Cassandra! Psh.

"Love, bakit wala atang imik si Miss Hannah?" sabi ni Catherine kay Zephyr.

"It's just her asshole Ex-boyfriend Love. He's back." sagot neto ni Zephyr.

Pero teka....

Nandyan na si Patrick!?!

"Bumalik na si Patrick Zep?" tanong ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

"Oo Bry. Andyan na yung ungas."

"Nagbalik na ang traydor." sabi ko. Saka naman biglang sumulpot si Tristan Out of the Blue. Takte! Wengya! Nakakagulat naman tong lokong to!

"Eh gago pala sya eh! Ang kapal naman ng mukha nyang bumalik! Bwisit yang-"

Susugurin talaga neto ni Tristan? Psh... Sa bagay. Ex-bestfriends si Tristan, ako, Brian, Renz at Patrick. Pero simula nung nagtraydor sya sa grupo namin, kinalaban na namin sya.

Kasabwat sya sa ibang Mafia Group. Hiningi nya lahat ng mga secret files and infos ng Lethal Mafia Organization. Ginamit nya lang si Hannah para makuha yung gusto nya.

Pagkatapos, saka sya nakipagbreak kay Miss Hannah. Ang kapal.

"O- Tristan! Huy!" kahit lokoloko yan si Tristan, mapagkakatiwalaan mo talaga yan.

Sasama ako.




Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ