Chapter 12: Catherine's Secret

41 4 0
                                    

Chapter 12

Cath's POV

Ayaw akong pahawakin ng baril ni Zephyr. Para akong bata dito sa loob ng cr, umiiyak at natatakot.

Baka mapano si Zephyr? Natatakot na ako! Puro putok ng baril ang naririnig ko sa labas ng cr.

"HAAA!! Wag mo kong patayin!" hiyaw ko nung may pumasok sa CR.

"Shh.. Cath, ako to. Si Lianne. Tara na! Hindi ka ligtas dito." si Lianne?

Sumama na ako sa kanya. Dali dali kaming lumabas ng cr. Tumatakas kami habang nakikipagbarilan si Lianne.

"Here."

B-Baril??!

"P-Pero-"

"You'll need it. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Zephyr. Basta gamitin mo yan!"

*BANG!

"GO Cath!"

At sinunod ko si Lianne. Lumabas ako ng 3rd floor.

*BANG!

"CATH!"

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko si Zephyr na isinigaw ang pangalan ko.

Bumalik ako kahit alam kong delikado.

Hanggang sa...

Nadatnan kong nakahiga sa sahig si Zephyr.

"L-Love?" pero walang response.

"Love?" tawag ko ulit pero hindi sya gumagalaw. Tumulo na lang ang luha ko.

Kinuha ko ang baril na binigay ni Lianne. Ako ang bahala sayo Zephyr. Ipaghihiganti kita.

--

Renz's POV

"Nandito din ang Zerafin High. Maging alerto ka Ugok." sabi neto ni duwag.

"Gago! Alam ko! Matagal na akong alerto kaysa sayong tutulog-tulog, ugok!" nasa gitna na nga kami ng kamatayan magbibiro pa sya? Pfft. Baliw talaga to si Brian kahit kailan noh?

"Manalo matalo, gwapo parin ako!" sigaw neto ni Gago.

"Wengya ka Tristan! Baliw ka parin hanggang ngayon!"

"Atleast Gwapo!" Pfft...

*BANG!

*BANG!

*BANG!

Sunod-sunod na baril ang narinig namin. Lumapit kami para tingnan ang nangyayari sa loob.

Akala ko magugulat namin sila pero hindi.

Kami ang mas nagulat.

Nakakalat ang mga bangkay sa gilid ni Zephyr. Punong-puno rin ng dugo ang damit ni Cath at Hannah.

Nakita namin kung pano bumaril si Catherine. She's like a twin sister of Hannah Lovelle Quintos.

--

Hannah's POV

"Walang mangangahas na pumatay sa kapatid ko!" nagpaulan ako ng paputok. Kami ni Catherine. Hindi ko sya pinigilan. Mahal nya kapatid ko eh.

Pero grabe na! Mas maraming napatay si Cath kaysa sakin!

"A-Aray! Ang sakit! Shit!" paglingon namin...

"L-love?"

"Shit! Catherine Rain! A-Anong nangyari sa'yo?! Bakit puro ka dugo?!"

"L-Love.."

"At... Bakit ka may baril?" napatingin naman ang kapatid ko sa paligid nya. Puro bangkay.

"Shit Catherine! What happened here?! I-Ikaw ba ang may gawa neto?"

"O-Oo."

"Kasama ko sya Zeph. Hindi ko sya pinigilan."

Niyakap naman bigla ni Zephyr si Cath.

"Akala ko kung anong nangyari sayo. Wag mo nang gagawin yun ha? Akala ko kung saan ka nagpunta. Pinag-alala mo ko."

"Love! Akala ko kung ano nang nangyari sayo! Ayoko na."

"Shh.. Don't cry."

Sana may ganyang tao na dumating sa buhay ko.

"Hm!! Hm!! Hm-"

"Ate!/Miss Hannah!/Hannah! Boss!" saka ako nadala ng kung sino man sya.



Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora