Chapter 15: Angelique or Hannah?

37 4 0
                                    


Chapter 15

Angelique's POV

Ang kapal ng mukha mo Hannah! Mamatay ka na!

"Ang kapal naman ng mukha mong pagtaksilan ako!" galit na sabi ko kau Dreix.

"Will you please stop Angelique?"

Nakakagalit ka Saldreix!

Naglabas ako ng baril at itinutok kay Dreix. Imbis na matakot, wala lang syang pakialam.

"Sige. Kalabitin mo ang gatilyo Angelique. Patayin mo na lang ako."

He's crazy! Hindi ako makapaniwala sa inaasal ni Dreix!

Walang birong itinutok ko ang baril.

*BANG!

--

Saldreix's POV

*BANG!

Napapikit na lang ako dahil itinuloy talaga ni Angelique na paputukin ang baril.

Nagulat ako dahil hindi naman ako natamaan ni nadaplisan.

Nakita ko si Angelique na pinaputok pala pataas.

Bakit di nya pa ako tinuluyan?

"I am once an assassin, Dreix. I turned into a gangster because of you. I did it because I love you."

Saka umalis si Angelique. Nasaktan ko sya. And I hate myself!

--

Nagkita kami ni Hannah kinabukasan, pero di nya ako kinausap.

Naalala ko tuloy yung unang beses na sya ang humalik sakin.

"Hannah... Please-" she kissed me in front of Angelique. After that? She said sorry. Sorry na parang walang nangyari. Hindi ko sinabi kay Dad na nakita ko na ang itsura ng Mafia Heiress ng Lethal High.

"Dreix. Huy! Tulala ka nanaman!" nagising ako sa katotohanan nung narinig ko si Der.

"Boss, nagkakalabuan ba kayo ni Angelique?" tanong sakin ni Brixton.

"Nakita ko na kung sino ang Mafia Heiress ng Lethal High."

"ANO?!"

"Boss, hindi ka pinapahintulutan ni Master na makita ang Mafia Heiress ng mga Assassins."

"Alam ko. Wag nyo na lang sabihin kay Daddy. Tsaka, nahalikan ko na sya."

"Boss! Ang tarik mo din eh noh?! May tinatago ka rin palang lihim samin ng mga Womanizer Angels!" baliw ka talaga Brixton.

"Isali natin si Boss! Sya leader! Pftt." isa ka pa Xian.

"Alam kong nangyari na yun. Dun pa nga yun sa tapat ng gate ng Lethal High-"

"Hindi yun Der. Kahapon lang, hinalikan ko si Hannah."

"Ano? Dreix naman. Anong nangyari?"

"Mahal ko na si Hannah."

"B-Boss."

"Nung una, balak ko lang syang mainlove sakin dahil sa pagkakabaril nya sa balikat ko. Pfft.. Nakakatawang dahilan di ba? Pero di ko akalaing, ako ang mahuhulog. Di ko alam na ako pala ang tatablan."

"Pano si Angelique?"

"Hindi ko alam! Naguguluhan narin ako eh!"

Hindi ko na talaga alam kung sino.

--




Clash of the Mafia Organizations: Gangsters vs AssassinsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin