16
"Now tell me Lan, ilang buwan na?" malamig niyang tanong. Inatake na ako ng kaba sa narinig ko sa kanya. Why is he asking that? May alam na ba siya? Did somebody tell him? Nakahalata ba siya dahil sa pagsusuka ko kanina?
I bit my lip. Damn this life. Ito ang iniiwasan ko kaya mas gusto kong hindi ko kilala ang donor ng sperm para sa AI ko. Kung hindi ba naman kasi masyadong pakialamera iyong kaibigan ko, eh di sana tahimik pa ang buhay ko.
"Allara!" mas malakas na na tawag ni Greg sa akin. Huminga ako ng malalim bago siya tiningnan ng diretsyo.
"What are you saying?"
Napahilamos siya ng mukha. "You know what I am saying Allara Naomi! Huwag mo akong dinadaan sa ganyan!" asar na niyang sabi. I tried to calm myself. Ilang beses ko ng nakitang nagalit si Greg at sa ilang beses na iyon ay hindi ko nagustuhan ang nangyari. He is too wild when he is mad.
"It seems like you already know Greg." sagot ko. Nanlaki ang mata niya bago ako tinitigan lamang.
"So Leria's right?" gulantang niyang sabi. My brows furrowed. Ano bang inaarte nitong si Greg? So what if I am pregnant? What is the big deal then huh? And what did he say? Si Leria ang nagsabi sa kanya?
I bit back a curse. Damn all the people around us. Lumalala lang ang lahat ng dahil sa kanila.
"I want to hear you say it." Aniya. Sumiksik ako sa kinauupuan ko bago yumuko. Nakakatakot si Greg. His eyes were bloodshot. His knuckles white from gripping the insides of his palms.
"Lana!"
Hindi pa rin ako sumagot. Sunod kong nalaman ay nakatayo na siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako para tumayo. Iyong dalawang kamay niya ay nasa may balikat ko na at marahan akong niyugyog.
"Allara!" he helplessly said. Nag iwas ako ng tingin para makontrol ko ang kaba ko. Naririnig ko kung gaano kabilis iyong paghinga niya habang ako naman ay nanghihina na sa sobrang takot sa kanya.
"Say it!"
Napapikit ako ng mariin. "I-I am pregnant. Happy now?" nanginginig kong pagamin. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin bago siya humakbang palayo.
He looked so stunned and so hurt at the same time. Nakatitig lang siya sa akin na para bang isa akong malaking milagro na ngayon lang niya nakaharap.
"Dammit!" he gritted out. Hinila na naman niya iyong buhok niya bago tumalikod sa akin.
"Ano bang problema mo? So what if I am pregnant---"
"So what?! So what?! You're seriously asking me that?! Bullshit Lana!" sigaw niya sa akin. Noong narinig ko ang pagmumura niya ay nairita ako. Alam kong galit siya, pero napakairrational naman yata niya.
"Huwag mo akong minumura Greg!"
"Kaya ka ba bumalik sa PIlipinas dahil nabuntis ka?" imbes ay sagot niya. Napaawang ang bibig ko at hindi ako agad nakapagsalita.
"D-did your boyfriend leave you that's why you came back here?" tanong na naman niya. A knot grew in my throat. Kinagat ko ang labi ko bago ko hinaplos iyong tiyan ko.
"No, I don't have a boyfriend there." Mahina kong sabi. Iyong panghihina ni Greg ay biglang napalitan na naman ng galit.
"Then who the hell is the father damn it! I waited... for ten fucking years Lana. Ten fucking years just to be with you again and then when things get better I will learn that you are pregnant?! Damn!" nabasag na ang boses niya noong sinabi niya iyon. I looked at him but he turned his back on me.
"I waited for you. Kahit sinabi na nga mga kaibigan ko na ang gago ko para hintayin ka. But I still waited for you."
"I never asked you to wait for me Greg." malamig kong sabi. May naramdaman akong kung anong basang tumulo sa mata ko bago ko agad iyon pinunasan.
"You didn't have to ask me Lan. Kasi kahit anong mangyari maghihintay pa rin ako. Maghihintay akong bumalik ka para ipaliwanag kung bakit biglaan ka na lang umalis ng walang paalam. Naghintay ako para sana maging tayo na ulit kapag bumalik ka. You don't have to ask because I will wait. No matter how long." Sagot niya sa akin. Umupo siyang muli doon sa bean bag bago huminga ng malalim.
He is right. Hindi ako nagpaalam noong iniwan ko siya. Right after the end of the school year, agad na akong umalis para mag aral sa Stanford. Umalis kami agad ni Daddy dahil ayaw niyang madamay ako sa gulo noong hinuli si Mama para ikulong. Dad's life is in danger at that time too. May mga gustong pumatay sa kanya para hindi na siya makatakbo sa susunod na eleksyon.
And Dad said it was Greg's plan. He planned my mother's arrest and the murder attempt of my father. According to my Dad, ang grupo nina Greg, iyong mga pamilya ng namatayan sa yate, ang nagplano ng lahat. Greg just used me for revenge.
I was left with no choice. I didn't want Greg to explain because I know that he will just lie again. Kaya pala napansin niya ang isang katulad ko. Kaya pala nilapitan niya ang isang tulad ko. He has an ulterior motive and I was just nothing but a pawn on his game of revenge.
That is why I hate any form of complications. Kaya nga mas gusto kong magkaroon ng anak ng walang asawa dahil ayaw ko ng matali. I don't want to fall in love again because I don't want to be used the same way Greg used me.
He wanted revenge for the death of his brother. Dad's right. Ginamit lamang niya ako.
I wanted to have a simple life with my child. But then shit came when Greg became the father of my baby.
"Sinong ama Lana?" tanong niya sa akin pagkatapos ng ilang tahimik na sandali. I breathe hard before stroking my belly.
I stared at him. Iyong kamay ko ay mahigpit lamang na nakapatong sa tiyan ko. Yes, I will have a simple life. I will have the life that I wanted. I won't be tied.
Noong naalala ko lahat ng ginawa ni Greg ay para akong nagising sa panaginip. This is still the same Greg you knew Lana. Baka may pinaplano na naman siya kaya lumalapit siya sayo at galit na galit ngayong nalaman niyang buntis ka.
"I don't know." Matatag kong sabi. Kumunot ang noo niya.
"You don't know?" gagad niya. Tumango ako. Tumalim iyong tingin niya sa akin na para bang kaunti na lang ay titirisin na niya ako. "You're pregnant and yet you don't know?" paguulit niya. I nodded again.
"This is impossible." Bulong niya. Pinatong niya iyong siko niya sa tuhod niya bago yumuko. Hinila ng mga daliri niya iyong buhok niya at matagal na hindi nagsalita.
"Paano kang nabuntis kung hindi mo naman kilala ang ama?" mahina niyang sabi. I pursed my lips before shrugging.
"One night stand Greg. I was at the bar. I got drunk. Some guy took me home and now I am pregnant. Simple." dirediretsyo kong sabi na para bang nagsasabi lang ako ng kulay.
I won't give him the satisfaction of knowing that I have his child. Malaking pagkakamali noong binigyan ko siya ng pansin noong lumalapit siya sa akin ngayon. I should not listen to him anymore. I am done with his revenge.
I saw how Greg paled from my answer. Napapikit na naman siya at huminga ng malalim.
"You don't know the man?"
"No." mabilis kong sagot. Ilang beses siyang nagmura bago tumayo.
"Damn it Lana." Narinig kong sabi niya. Naglakad siya papunta sa pintuan ko at binuksan iyon. Sunod kong narinig ay ang pagsara ng pintuan.
------------------------
*pen<310

YOU ARE READING
Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAyaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Humanap ng lalaki sa bar at magpabuntis? B. Pumunta sa orphanage at mag-ampon? C. Magmakaawa sa bestfr...