Please

78.1K 2.1K 108
                                        

28


I should not be this calm. Natatakot ako sa sarili kong emosyon. I know how people function. Kapag mas tinago mo ang sakit ay sasabog na lang iyon bigla. I am a psychologist for pete's sake but I don't know. Sa ngayon ay hindi na yata gumagana ang mga natutunan ko. I am too hurt to even think of the reasons why I am so calm when deep inside, I want to scream.

I touched Noah's cheeks and he softly cooed. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa anak ko. He slightly opened his eyes and I was greeted by the same hazel brown eyes of Greg. Wala sa loob na napaluha na naman ako sa nakita.

How will I even tell Noah that I cannot give him a family now? Paano ko siya papalakihin ng hindi maghahanap ng isang ama? I don't know if I can ever forgive Greg. Sa bawat pagkakataon na naiisip ko iyong ginawa niya, mas lalo lang akong nasasaktan. Ni hindi ko siya kayang pakiharapan.

Ito ang rason kung bakit nagpa AI ako para magka anak. I don't want to love because I don't want to get hurt. Ayaw ko ng komplikasyon kaya pinlano ko ang lahat, down to the last details of my life. But then Greg came and everything was changed. Akala ko ay hindi na ako masasaktan dahil mas matanda na kami, mas mature, mas handa. Pero nagkamali ako. Mas masakit ngayon.

Dumating iyong nurse at kinuha si Noah sa akin. They said I can't force my right arm yet. Nangulit lang talaga akong makarga ang anak ko, even for just a moment.

Palabas na ang nurse noong pumasok sa kwarto si Greg. He smiled instantly at the sight of our son. Kinuha niya iyon mula sa nurse at agad na kinarga.

"Hey there little man." Tuwang tuwa niyang sabi. Bahagya niya pang hinele hele si Noah bago niyakap malapit sa kanyang dibdib.

Yumuko lamang ako at tiningnan ang IV ko sa aking kamay. i don't have the power to look at the two of them. Para silang pinagbiyak na bunga. Hindi ko alam kung nagtataka ba si Greg sa pagkakahawig nilang iyon o hindi.  Kung nagtataka man siya ay mas pinili na lamang niyang manahimik.

Umupo si Greg sa tabi ng kama ko at agad naman akong nag iwas ng tingin. He smiled at Noah and then he looked at me.

"Isn't he handsome? Parehas kayo ng kulay ng buhok." Aniya. Tinitigan ko lang ang anak namin at hindi sumagot. Greg carefully touched his cheeks and Noah's eyes opened. Natigilan ako lalo pa at tinitigan ni Greg ang bata. But then, marami namang tao na hazel brown talaga ang mata. Wala naman siguro siyang maiisip na kakaiba.

Noah made a small sound before closing his eyes again. I gently smiled and reached for him. Lumapit ng kaunti si Greg sa akin.

"Huwag mong masyadong pilitin yung braso mo." Sabi niya. Kiniskis ko ang hintuturo ko sa kamay ni Noah at agad pumaikot ang mga daliri niya roon.

"Baby ko." Tawag ko dito. Gumalaw siya ng bahagya na para bang hinahanap ang pinanggalingan ng boses ko. Tumawa si Greg at tiningnan ako.

"He knows your voice." Proud niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko habang siya ay nanatili lamang na nakatingin sa akin.

"Lana.."

Nanatili lang ang tingin ko sa mukha ni Noah habang pinaglalaruan ko ang kanyang kamay. Greg sighed before holding my hand. Agad kong hinila iyon at nagulat pa yata si Noah sa ginawa ko. Nalukot ang mukha niya at maya maya lang ay umiyak na.

"Baby." Tawag ko dito. Hinawakan ko ulit ang kamay niya habang si Greg ay kinakantahan siya. Doon lamang huminto si Noah sa pag iyak at muling natulog.

Narinig yata ng nurse ang pag iyak ng baby ko kaya pumasok siya. Maingat na iniabot ni Greg si Noah dito. Noong pagkalabas ng nurse ay agad akong nag ayos para makahiga na ako.

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now