Married to the Lover Boy SC1

102K 1.8K 217
                                        


Happy Birthday



-----------------------------------

Ang ganda talaga niya. Pakshet, obsessed na yata ako eh. Seryoso, para na akong stalker dito, nakasilip sa bintana ko habang pinapanood ko siya sakay ng skateboard ng Papa niya.

Inayos niya iyong pagkakapusod ng buhok niya at nagpunas ng pawis sa noo. Shit, ang ganda talaga.

Ngumuso siya at kinuha na iyong board bago pumasok sa bahay nila. Doon ko pa lamang isinara ang bintana ko at sinimulahan ang muling paggugupit ng mga kung ano anong crepe paper. Bukas ay birthday na ni Illea, fifteen na siya at pwede na akong manligaw. Tae, ang bakla. Pero wala akong pakialam. Basta para sa kanya, kahit magmukha akong bakla ayos lang.

Noong matapos ako sa paggupit ay inayos ko naman ang mga lobo at giant card na ibibigay ko. Halos lahat ay kulay blue at purple, iyon kasi yung favorite talaga niyang kulay.

Kumuha na ako ng ballpen at nagsimulang magsulat doon sa giant card. Asar talaga. Ang corny ko.

Kinabukasan ay inayos ko talaga ang buhok ko. Halos maubos ko na nga ang wax para lamang siguradong hindi kulang ang spikes sa hairstyle ko. Bwisit.

Kinatok na ako ni Mama kaya nagmadali na ako. Kinuha ko ang bag ko at ang karton ng mga gagamitin ko para sa surprise ko kay Illea.

"Para saan yan?" tanong sa akin ni Mama. Ngumisi lang ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Project po." Sagot ko. Kinurot ko muna ang pisngi ni Noriel, iyong bunso kong kapatid, bago ako dumiretsyo pababa. Muntik ko pang mabangga si Papa na nagbabalat ng repolyo noong kinuha ko ang baon ko.

"Noah!" tawag ni Papa sa akin. Huminto ako sa pagsisintas at tiningnan siya. Ngumisi lamang si Papa at sinilip si Mama sa likuran niya.

"Get her." aniya. Tumango lamang ako at lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko ay nakita ko na si Serise na nakaabang sa gate namin. Kunot noo ang sinalubong niya sa akin pagkakita sa dami ng dala ko.

"Ano yan?" tanong niya. Umiling lamang ako.

"Wala. Project." Sagot ko na lang. Lumapit na si Seven sa akin at tinulungan akong buhatin iyong kahon. Sa aming lahat ay siya lang ang pinagsabihan ko ng plano ko para kay Illea mamaya.

"Baby, sure ka talaga dito?" bulong ni Seven sa akin. Ngumuso lang ako kasi baka marinig ako nila Rome. Nasa harapan pa naman namin siya. Mahirap na. Competition yan eh. Baka maagawan pa ako.

"Oo naman."

"Magagalit si Se." dagdag niya. Nagkibit balikat ako. Wala akong pakialam kahit magalit siya. I'm not hers to start with. Masyado siyang maarte.

And I don't give a fuck about the marriage agreement between Serise and me. Kung ipipilit nila iyon ay si Papa at si Tito Stan ang ipapakasal ko. I just couldn't stand Serise. She's too bitchy. She's a beast. Mamamatay ako ng maaga sa kanya.

Pagkarating ko sa school ay agad na akong nagprepare. Mabuti na lamang at World Lit lang ang klase namin. Electives lang iyon kaya malaya akong hindi pumasok.

Kumuha ako ng upuan at ipinwesto iyon sa ilalim ng punong mangga. Naglatag rin ako ng blue na kumot para hindi siya mangati sa mga halaman roon. Inilabas ko na rin ang mga crepe na bulaklak, iyong bouquet ng tulips, at iyong giant card. Kinuha ko na ang gitara ko at umupo sa damo. Damn it, kinakabahan ako.

What will she say? Will she like it? I hope she does. Pero baka mandiri lang siya sa akin. Illea's not like the normal girl who wants cheesy things like this. Baka ibato lang niya sa akin ang bulaklak o di kaya ay hampasin ako ng gitara.

'Ilang beses ng nag-away

Hanggang sa magkasakitan

Na 'di alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan'

Sinimulan kong tumugtog para kumalma. Ilang minuto na lang at pupuntahan ko na si Illea sa canteen para sunduin. Sabi ko kay Seven ay doon niya muna papuntahin ang pinsan niya.

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't

Sinisipa't nasusugatan mo

Ikaw pa rin

Walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba

Walang iba'

Hindi ko na hinintay ang text ni Seven sa akin. Naglakad na agad ako papunta sa canteen para sunduin si Illea. Dala dala ko iyong bouquet at iyong giant card.

Papasok pa lamang ako ay nakasalubong ko si Serise na nagsasalamin sa isang kotse. Agad na sumimangot iyong mapupula niyang labi noong makita ang dala ko.

"Project huh?" inis niyang sabi bago ako tinalikuran. Hindi ko na lamang siya pinansin. Pagkapasok ko ay halos mabingi ako sa sigawan sa canteen.

Nilingon ako ni Cai na nakasandal lang sa pader bago umiling. Napakunot naman ang noo ko. Naglakad na ako palapit sa lamesa namin noong hinawakan ni Matthew ang braso ko.

"Noah.."

"What?" taka kong tanong. Tiningnan niya iyong lamesa namin at nakita ko si Illea na may hawak na isang pirasong pulang rosas.

Sa tabi niya ay si Rome na nakangisi at nakikipag usap sa kanya.

Sa tabi niya ay si Rome na nakangisi at nakikipag usap sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Birthday gift daw ni Rome." si Serise ang nagsalita. She popped the gum on her mouth before shrugging.

"Sorry Noah. But you look so stupid now." aniya. Kinagat ko ang labi ko. Shit!

"Damn." Pabulong kong sabi. Humigpit ang hawak ko sa bouquet. Noong narinig ko ang tawa ni Illea ay tumalikod na ako. iniabot ko kay Serise ang bulaklak bago ko tinapon iyong card.

"Pakisabi na lang happy birthday sa kanya." malungkot kong sabi at agad na naglakad palayo.

--------------------

*pen<310

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now