24
I just sat there in silence. Nakatitig lamang ako sa mga batang naglalaro sa daan habang ang kamay ko ay dahan dahang hinahaplos ang umbok sa tiyan ko. I felt Noah moving inside me and I smiled sadly. I'm sorry baby. I'm sorry that I am crying right now. It hurts Noah. It hurts so much.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at tumayo na. Mahirap na ang maglakad para sa akin dahil sa laki ng tiyan ko. Walong buwan na si Noah at mabigat na siya. Dahan dahan akong humakbang papasok sa bahay.
Pagkabukas ko ng pintuan ay ang malaking wedding picture namin ni Greg ang sumalubong sa akin. Napahinto pa ako sa paglalakad at napatitig roon. It is a candid shot during our wedding. Parehong madumi ang mukha naming dalawa dahil sa cake pero kapwa kami may malaking ngiti.
Masaya naman siya hindi ba? Anong nangyari ngayon?
'Kahit di mo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil di mo naman aaminin'
Ilang araw ko ng iniisip kung may kulang ba akong nagawa, o may mali ba akong nasabi sa kanya. Magmula noong makita ko sila sa hotel ay nanahimik lang ako. I did not try confronting him. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot akong baka sabihin niyang mahal niya si Celeste at nagkamali siya noong pinakasalan niya ako. Baka hindi ko kayanin iyon. Kailangan kong maging malakas ngayon dahil ako na lang ang aasahan ni Noah. I cannot afford being hurt because I have a child to think. Hindi na lang ako.
Siguro ganito ang nararamdaman ng bawat babae na niloloko ng mga lalaking minahal nila. Maybe they also felt inadequate. Palaging nagtatanong kung saan nagkulang. Bakit may pangalawa? Bakit may iba? Hindi pa ba ako sapat?
Lumapit ako sa wedding picture namin bago napahagulgol na lang ulit. May iba si Greg. May pangalawa siya. At kahit anong gawin ko ay alam kong talo na ako kay Celeste dahil siya ang pangalawa. Kung mahal nga ako ni Greg dapat ay walang Celeste. Hindi ka naman magmamahal ng pangalawa kung mahal mo naman talaga ang una hindi ba?
'Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
Di ko alam bakit nagkaganito'
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa harapan ng picture namin. Matagal na rin noong tumigil ako sa pag iyak at ang tangi ko na lang na nararamdaman ay ang lamig mula sa natuyong luha sa pisngi ko.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Sakto namang pagbukas ng pintuan ng bahay at pagpasok ni Greg. Mabilis na kumunot ang noo niya noong makita ang itsura ko. Inilang hakbang lamang niya ang pagitan naming dalawa bago hinawakan ang aking pisngi.
"You look pale. May nangyari ba?"malambing niyang tanong. I bit my lips so hard. Kanina ba ay kinausap niya si Celeste ng ganyang tono din? Malambing din ba? Hinaplos din ba niya ang pisngi niya? Was he worried for her too?
Nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti.
"Maayos lang ako. Medyo napagod lang." I lied. Tinitigan niya ako bago tumango.
"Hindi ka na dapat nagpapagod. Makakasama sa inyo ni Noah yan." Utos niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa kusina.
"You know, Noah might be a girl." Sabi ko sa kanya habang pinaghahanda niya ako ng hapunan. Tumaas lamang ang kilay niya.
"Kung bakit kasi ayaw mong alamin ang gender ng baby." Aniya. Inilapag niya ang pinggan sa harapan ko bago umupo sa katapat na upuan.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ka ba kakain?"
"Nope. Nag dinner na ako."
"Sinong kasama mo? Saan?" Tuloy tuloy kong tanong. Ilang segundo muna siyang natigilan sa dirediretsyo kong pagsasalita.
"Sina Stan. Sa Wave kami nag dinner. Alam mo na, with all the sched and rehearsals." Nagkibit balikat siya. Yumuko na lamang ako at nagkunwaring kumakain na.
'Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa'
"Ang busy ninyo ano? Lagi ka nang late nakakauwi." I said casually. Napainom siya ng tubig habang ako ay nakatitig lamang sa kanya.
"Yeah." Iyon lang ang nasabi niya. I stared at him. Nakatingin lamang siya sa tubig at hindi sa akin. Nahihirapan ka na bang magsinungaling Greg? Sa sobrang hirap ay hindi ka na makatingin sa mata ko?
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya. Did he kiss Celeste with those lips a while ago? Did he whisper how much he loves her using that mouth?
Hindi ko mapigilan ang mag isip ng masama. Kung totoo mang naghapunan siya kasama si Stan, hirap na akong paniwalaan iyon. Para bang sa bawat salita niya ay puro kasinungalingan lang ang naririnig ko.
Maybe this is what happens when someone breaks your trust. You will always have second thoughts about the sincerity of their words and actions. Ang hirap paniwalaan. Ang hirap magtiwala kasi niloko ka. Ginawa kang tanga ng taong pinagkatiwalaan mo.
I smiled at him as I squeeze his hand. "I love you Greg." Sabi ko. Napapikit ako matapos. Nanikip ang dibdib ko at para na naman akong sinasaksak. This is too painful. It is painful that he is cheating.
It is more painful that I am lying to myself.
"I love you too." Sagot niya sa akin. Iyong hinlalaki niya ay hinawakan ang wedding ring namin.
"Talaga?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko sa nasabi. Bahagyang nanlaki ang mata ni Greg sa klase ng tono ko. I am accusing. Alam kong alam ni Greg na hindi ako nagbibiro noong tinanong ko iyon.
"Lana.."
Tumayo na ako at niligpit ang pagkain na halos hindi ko naman nagalaw.
Hinarap ko siya at tinitigan. Gusto kong mahanap ang sagit kung bakit siya nagsisinungaling.
Why are you lying Greg?
---------------------------------
Song Used:
Kahit Di Mo Sabihin - Juris
*pen<310

BẠN ĐANG ĐỌC
Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Tiểu Thuyết ChungAyaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Humanap ng lalaki sa bar at magpabuntis? B. Pumunta sa orphanage at mag-ampon? C. Magmakaawa sa bestfr...