27
Nga pala, I love you Penders ha?
----------------------------------
Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin kay Lana. She's not almost breathing. My wife is not almost breathing. Tulala lang ako habang iyong mga medic ay binibigyan siya ng first aid. Nakatingin lang ako sa braso niyang duguan. I bit back a curse and kissed her bloody hair.
"I'm sorry." Bulong ko sa kanya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko habang nakatingin sa asawa kong walang malay. Napapikit ako ng mariin noong nagsimulang sumalakay sa akin ang takot. I can't lose my wife. Ginawa ko ang lahat para protektahan siya at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin. If only I have been more careful, hindi sana siya magagawang saktan ni Celeste. Kasalanan ko ang lahat.
Mabilis kaming nakarating sa ospital. Kaagad na ipinasok si Lana, kasunod niya ay si Ethan. Napasabunot na lang ako sa buhok at agad na tumakbo sa loob.
"Hanggang dito na lang po tayo Sir." Pigil sa akin ng isang nurse. Napahinto ako sa pagpasok. Hindi na ako nakaangal noong isinara na nila ang pintuan ng ER. Napaupo na lamang ako sa sahig at napatitig sa pinto.
This is my fault. Kung sana ay naging mas maingat ako, hindi sana malalaman ni Celeste ang tungkol sa pagbubukas muli ng kaso ng Mama ni Lana. I thought I had her occupied. Lumapit ako sa kanya para malaman ko kung saan niya dinala ang mama ni Lana. Hindi ko magawang magsabi sa pulis o sa kahit na sino. Celeste has Lana's Mom. Wala akong maisip na ibang paraan. Nilapitan ko si Celeste para protektahan si Lana at ang Mama niya.
But now everything has gone wrong. Nalaman na ni Leria ang ginagawa ko at galit na galit siya. May mga kumakalat na litrato naming dalawa ni Celeste. Someone sent it to her just this morning. Oras na malaman ni Lana iyon ay matatapos na ang lahat. Mawawala na siya sa akin. I cheated on her just to protect her. but the bottomline is I still cheated.
At ngayon nasa bingit siya ng kamatayan dahil sa kagaguhan ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin. Lana is inside fighting for her and our child's life. Eventhough Noah is not my son, I still love him as if he is from me. Lahat ng galing kay Lana ay mahal ko.
Napatayo ako noong marinig ko ang pagdating ng iba pang AEGGIS. Palapit pa lamang ako sa kanila noong sumugod si Leria at malakas akong sinampal. Namanhid ang pisngi ko sa lakas niyon pero hindi ako nakaimik.
"Leria!" pigil ni Athan dito. Noong nilingon ko sila ay nakita ko ang pulang pulang mata ni Ria, galit at naninisi sa akin. Yumuko lang ako at hindi nagsalita.
"You cheating son of a bitch." Aniya. Napangiwi ako noong marinig ko ang sinabi niya. Yeah, that's me. A cheater.
"Ria." Si Stanley na ang nagsalita. Pumagitna siya sa aming dalawa habang si August ay nilapitan ako at hinawakan ang aking braso. Nakita kong itinulak ni Ria si Stan at nilapitan ako ulit.
"Bakit hindi ka magsalita ha Greg? Why? Speechless? Damn you." Sinampal niya akong muli. Naramdaman ko ang hapdi mula sa kuko niya pero hindi ako gumalaw. Niyakap na siya ni Athan pero hindi pa rin ito tumitigil.
Lalong bumilis ang luha ko. What can I say Ria? Ano bang pwede kong sabihin para ipaliwanag ko ang kasalanan ko. Saying that I did everything to protect Lana will sound like a shit. Hindi ko siya nagawang protektahan.
"Huwag kang umiyak. Wala kang karapatang umiyak Greg. Huwag mong iyakan si Lana dahil kasalanan mo kung bakit nangyari sa kanya ang lahat ng ito. Don't act as if you love her---"
"I love her!" sigaw ko. Humigpit ang hawak ni August sa akin pero hindi ako nagpatinag. Tinitigan ko si Leria bago ko tiningnan ang buong AEGGIS.
"Niloko mo siya." Malamig na sabi ni Ria. Inalis niya ang pagkakayakap ni Athan sa kanya bago lumapit sa akin.

YOU ARE READING
Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAyaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Humanap ng lalaki sa bar at magpabuntis? B. Pumunta sa orphanage at mag-ampon? C. Magmakaawa sa bestfr...