Chapter 2

1.8K 68 1
                                    

Sixteenth anniversary na ng mag-asawang Mia at Levi Danes. Kasabay ng matagal nilang pagsasama ay nagbunga ito ng panibagong sanggol, na ngayon ay pang-isang taong kaarawan na.


Matagal hinintay ng mag-asawa bago masundan ang panganay na anak na si Jan. Todo bantay din kasi sila dito lalo pa't kahit anong pangaral ang gawin nila, tila hindi na nila mababago ang takbo ng pag-iisip ng bata.


Buti na nga ang at hindi na muling gumawa ng kalokohan si Jan simula nang mahawakan ng isang psychiatrist, si Doctor Yago, ang kanyang kaso noong sampung taong gulang pa lamang siya.


Pagkatapos noon ay naging masaya at mapayapa ang pagsasama ng pamilya Danes.


"Happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday Jay-Jay!"


Sabay-sabay kinantahan ng mga batang imbitado ang sanggol na si James Danes. Naging palayaw na lamang niya ang Jay-Jay.


Dahil wala ng ibang kamag-anak si Mia, si Levi na lamang ang nagpapunta ng ilang mga malalapit niyang pinsan na nasa Pilipinas. Kasama din ang mga dati nilang kaklase at kanilang mga anak.


"O blow the candle baby," tuwang-tuwang sabi ni Mia, ngunit dahil hindi pa naman ito maiihipan ni Jay-Jay ay siya na nga ang umihip. Nagpalakpakan naman ang mga bisita.


"Kainan na!" Sigaw ni Mia gamit ang kanyang masayahing boses.


Nagpa-cater na sila ng pagkain, kasama na ang mga waiter para mas maging maayos ang birthday celebration. At isa pa, kasabay din naman nito ang pagdadaos ng kanilang wedding anniversary kaya dalawang tarpaulin ang nakapaskil sa dingding.


Dahil sa bagong bahay lamang nila ito idinaraos, sa garden na nila sinet-up ang venue. Maayos at malawak naman ito.


"Happy birthday baby boy!" Paglapit ni Alice ay hinalikan din niya ang bata. Sumunod naman si Samantha na bahagya pang tinulak ang dating kaklase.


Ibang-iba na ngayon si Alice. Mas naging pala-ayos siya, at kung tititigan ay mukha ng artista. Hindi na rin sila magkaaway ni Samantha.


In fact, best friends na sila.


"Ano ba, nang-aagaw ka nanaman dyan! Pati ba naman sa anak ni Levi?" Hirit ni Alice.


Pero malamang, hindi papatalo si Samantha, "hindi ako nang-aagaw! Ang tagal mo lang kasi mag-kiss at ayaw pang tumabi. Anak mo?"


"Oy ano ba kayo, hanggang ngayon ba naman, bangayan?" Komento ni Levi at binuhat ang kanyang baby Jay-Jay mula kay Mia. Nangingiti na lamang ito dahil alam naman niyang magkaibigan na ang dalawa.


Paano? Pareho kasi silang niloko ng ex nila. Kaya ayun, nagkasundong maghiganti.


"Kaya hindi pa nakakapag-asawa e. Wala ba kayong balak magkapamilya?" Kantsaw pa ni Levi.


"Syempre meron!" Sagot ni Alice.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu