Chapter 36

687 32 0
                                    

Madaling araw na ngunit gising pa rin si Richard Fermano. Hindi kasi ito makatulog dahil sa naging resulta ng kanyang CT scan. May taling na ang kanyang buhay dahil sa tumor nito sa utak. 

Lumabas ito upang kumuha ng tubig, ngunit napahinto din sa tapat ng kwarto ni Meryl. Naalala niya ang kanyang rason kung bakit niya pinatuloy ang anak ni Mia sa kanyang pamamahay. 

Imbis na dumeretso sa hagdan ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng dalaga. Mahimbing na ang tulog ng mga tao sa kanyang bahay; isang pagkakataong hindi niya maaaring palampasin.

Hindi na binuksan ni Richard ang ilaw, ngunit iniwan niyang nakabukas ang pinto ng kaunti upang makita niya kung saan banda nakahiga si Meryl. 

Mahimbing nga ang tulog nito. Kung mamamatay ito ngayon, walang makakaalam sa kanyang kagagawan dahil maaaring ikonsiderang binangungot lang ang dalaga. 

Gamit ang nanginginig na kamay, hinawakan ni Richard ang leeg ni Meryl hanggang sa nagising na lang ang dalaga na hirap sa paghinga. 

"R-richard..." Sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanya ay hindi na halos siya makagalaw.

"Kailangan mong mamatay," Gigil na sabi ni Richard. 

Dahil sa madilim ay walang ibang gamit na makita si Meryl upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Wala na siyang sapat na lakas, lalo't hawak siya ng lalaki. Ngunit sinubukan pa rin niya. 

Hinintay niyang mag-adjust ang kanyang mga mata sa dilim at saka kinontrol ang isip na matulak si Richard palayo sa kanya. Matagal niya itong tinitigan, hanggang sa nagawa din niya itong mapalayo mula sa kanya. 

Kadalasan ay nakabase din sa bigat ng isang bagay ang kakayanang makapagpagalaw ng utak. Dahil sa 9.09 newtons ang gravity sa Earth, kailangang bumaba hanggang zero gravity ang isang bagay upang makontrol ito. 

Ngunit sa pagkakataong ito ay ni hindi man lang natumba si Richard dahil sa kakulangan ng kontrol at exerted effort ni Meryl. 

Bagamat nabalot ng pagtataka ang mukha ni Richard, umayos pa rin ito ng tayo at akmang susugurin muli ang dalaga. Agad namang hinarang ni Meryl ang lamesa, at hindi sinasadyang natamaan ang tuhod ni Richard.

"Halimaw! Hindi ka tao!" Kung ano-anong sinisigaw ni Richard habang nakahawak sa kanyang tuhod. 

Si Meryl ay iniisip pa rin kung paano makatakas papunta sa pintuan. 

"Ikaw ang may dahilan kung bakit ako nagka-ganito." Sagot niya, at habang maingat na tumatayo si Richard ay dali-dali ring tumakbo si Meryl, ngunit agad siyang nahagip ng lalaki sa braso. 

"Aaaaahh! Tulong!" Wala na siyang ibang maisip na paraan kundi magsisigaw habang pilit na tinatakpan ni Richard ang kanyang bibig.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Vince at agad na bumangon sa kama. Maging ang kanilang kasamabahay ay umakyat upang tignan kung ano'ng nangyayari.

"Dad! Dad, 'wag!" Sigaw ni Vince at pilit na hinihila ang kanyang ama mula kay Meryl. 

"Kailangan mong mamatay!" Muli nitong sinakal ang dalaga, ngunit sa pagkakataong ito ay humarang na si Vince at tinulak ang kanyang ama.

"Dad, please! Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"

"Bakit mo 'ko gustong patayin? Hindi ba't ikaw naman ang may kasalanan ng lahat?!" Kung may lakas lang sana si Meryl ay baka siya na ang naunang nakapatay kay Richard. Ngunit ngayon pa lang, pakiramdam niyang bibigay nanaman ang kanyang katawan.

"Meryl please, tama na," Pakiusap ni Vince habang nakaharang pa din sa dalawa. 

"Ikaw ang nag-inject kay mommy ng mercy killing chip kaya ako nagkaganito! You made me into a monster, you killed me before I was even born!" 

Natigilan si Vince at napatitig na lang sa kanyang ama, na hindi na rin halos makapagsalita. Hindi na alam ng binata kung ano ang paniniwalaan. 

"Dad...? What is she saying?"

"I knew you, Richard Fermano. I've read news about you, your scheme with the Villegas."

Napahawak si Richard sa kanyang utak dahil pakiramdam niya ay kumikirot nanaman ito. 

"Dad?... Dad?" Inalalayan niya ang kanyang ama hanggang sa matumba ito.

"Siguro kaya ako pinanganak para makita ko kung pa'no ka mamatay. You sow what you reap."

"Meryl, tama na!" Pakiusap ni Vince. "Tumigil ka na please. I've lost my mom. I can't afford to lose even my Dad."

Nang makita ng kanilang kasambahay ang kalagayan ng kanyang amo ay tumawag na ito ng ambulansya. 

"Dad, stay put. Parating na 'yung gagamot sa'yo, okay?" 

Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na rin ang ambulansya. Hindi na naasikaso ni Vince si Meryl dahil sa laki ng pag-aalala nito sa kanyang ama. 

Sumama ito pagkasakay sa ambulansya, habang si Meryl ay naiwan sa bahay.

Hinagilap ni Meryl ang mga papel na tinago noong bata pa lamang siya. Newspapers, documents, at iba pang research materials tungkol kay Richard Fermano. Dinala niya ito sa kwarto ni Vince at nilagay ang mga papel sa kanyang kama.

Kailangan niyang malaman ang lahat. I want justice for my family. Tugon nito sa sarili nang bigla na lamang siyang mapaubo. 

Dugo. Kada-gamit na lang niya ng kanyang kakaibang kakayanan ay nagsisimula nanaman siyang humina.

Pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang puting damit, ngunit hindi na niya napansin pa ang pagmamantsa ng dugo. Nag-impake siya ng gamit, at hila-hila ang maleta na bumaba upang lumabas ng bahay. 

"Saan ka pupunta?" tanong ng kasambahay.

"Pakisabi na lang po na uuwi na 'ko,"

"Pero... alas dos pa lang, at baka hanapin ka ni Vince."

Umiling lamang si Meryl at binuksan pa rin ang pinto. "May masasakyan pa rin naman po ng ganitong oras. Pakisabi na lang po, uuwi na 'ko."

Hindi na nagawa pang pigilan siya ng kasambahay; mas importante naman sa kanya ngayon ang pag-aayos ng mga gamit ni Richard at ni Vince sakaling kailangan nila ng tulong sa ospital. 

Lumakad na si Meryl, ngunit wala itong balak umuwi. Pagkalampas niya ng kanilang subdivision ay patuloy pa din siyang naglakad, kahit na paisa-isa na lang ang mga sasakyang dumadaan. 

Siguro ay pupuntahan na lang niya si Dr. Yago. Alam naman niya ang clinic nito, ngunit may kalayuan nga lang mula sa lugar niya. 

Bigla na lamang siyang napatumba sa kalagitnaan ng daan. Pakiramdam niya ay napakahaba na ng kanyang nalalakad ngunit parang hindi naman siya umuusad. 

Mabilis ang takbo ng mga sasakyang dumadaan na para bang iniiwasan talagang huminto malapit sa kanya. 

"Tulong..." iyon na lamang ang kaya niyang sabihin dahil sa nanghihina na talaga siya at ano mang oras ay baka makatulog na siya sa kalagitnaan ng daan. 

"Tulong..." 

Muli niyang sambit, hanggang sa isang sasakyan ang huminto. 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora