Chapter 43

739 32 0
                                    

"Why would you do this?" Tanong ni Dr. Gail matapos makuha ang lahat ng kailangan niya para sa case study.

Ibinigay na kasi ni Meryl ang proposal letter kasama ng ilang documents na siya lamang ang meron.

"Hindi pa ba tapos ang interview? I thought tapos na kaya kinuha mo na 'yung memory card?" Tanong naman pabalik ni Meryl. 

Napaayos ng upo si Dr. Gail. Kanina pa siya nagugulat sa paraan ng pagsagot ng babae. Bakas kasi na gusto na niyang umalis at umuwi kahit wala pang trenta minutong nasa office niya ito.

Laking gulat na nga lang niya nang hindi na niya kailangan pang tanungin kung totoong may kakayanan itong magpagalaw ng bagay dahil ang dalaga na mismo ang nagsabi nito. Idagdag pa ang pagdedemo sa kanyang harapan.

Kailangan na lang niya ng back up at medical files mula kay Dr. Yago upang kumpirmahin at magkaroon din siya ng scientific explanation.

"Well, it's just a simple, basic, personal question. For what reason are you in such a rush? Dr. Yago even warned me na hindi magiging madili ang pagpayag mo sa case study,"

"Dr. Gail," sambit ni Meryl, cutting him off. "May kasunduan na naman tayo, 'di ba? I trust you won't break it or I will kill you a thousand times over in your dreams."

To his defeat, napa-hands up na lamang and doctor. "Whoa, I gave you my word, Ms. Danes. Thank you very much."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Meryl, hawak ang kopya ng signed agreement nila ni Dr. Gail. 

***

Dala ng kalasingan ay kinailangan ni Japs magpalipas ng gabi sa bahay ng katropa. Pasado alas dose na ng hapon siya nakauwi sa bahay, kaya nasa trabaho na ang kanyang ina na si Amanda. 

Dumeretso ito sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Naalala nanaman niya ang nangyari kahapon, kung bakit siya nagpakalasing. 

Pagkatapos uminom ay maingat niyang tinulak ang pintuan ng kanyang kwarto. Naroon pa si Meryl, mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Lalabas na lang sana siya upang hayaan itong makapagpahinga nang mapansin nito ang papel na hawak. 

Nilapitan niya ang babae; laking gulat na lamang niya nang matagpuan itong namumutla, animo'y isang bangkay. 

"Meryl!" umupo ito sa tabi ng dalaga at agad tinignan ang pulso nito.

Halos mamuti na ang labi ni Meryl, pati na rin ang mamula-mulang pisngi niya. 

"Meryl? Naririnig mo ba 'ko?" Puno na ng pag-aalala si Japs kaya pilit niyang ginigising ang babae. 

Hinawakan nito ang kamay ni Meryl at kinuha ang papel na tila kanina pa niya iniingatang huwag mahulog. Dala na rin ng curiosity, binuklat niya ang nakatuping papel. 

'I love you, Japs. Sorry, if I can't say it in person.'

Paulit-ulit itong binasa ni Japs, hanggang sa unti-unti na lang tumulo ang kanyang mga luha. Sinandal niya ang ulo ni Meryl sa kanyang balikat at niyakap ito mula sa likod.

"Kaya mo ba ginawa 'to kasi... malapit ka ng umalis?

The way he held her so tight is enough to show his fear and longing. Sobra itong natutuwa sa nabasa, ngunit kung may kapalit naman pala iyon, ano pang saysay ng tuwang kanyang nararamdaman?

"Ang sabi ko sa sarili ko, I cannot watch you die, Meryl. Kaya nga mas pinili ko na lang lumayo, 'di ba? Pero pa'no naman kita ipapagtatabuyan kung ikaw na mismo ang lumapit sa'kin?"

"Japs," mahinang tugon ni Meryl na kung wala si Japs sa tabi nito ay hindi rin siya maririnig. 

"Hmm?" Mas siniksik pa ng binata ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ni Meryl. Hindi pa rin kasi matigil ang pagtulo ng kanyang luha. "Kanina ka pa ba gising?"

"Japs," bakas pa rin ang panghihina sa boses ni Meryl, ngunit nagawa pa rin niyang hawakan at haplusin ang braso ng binatang nakayakap sa kanya.

"Gusto ko du'n sa madaming halaman... sa madaming bulaklak,"

"I know a place," sagot ni Japs, "sa Tagaytay. Kasi malayo 'yun dito e."

"Gusto kong umikot, Japs. Gusto kong lumipad. Tulad nu'ng ginawa ko dati. Naalala mo, 'di ba?"

Bahagyang tumango si Japs at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa dalaga. "Ngayon na ba? Ngayon na tayo pupunta?"

"Mmhmm," pabulong na sagot ni Meryl, "magdala ka ng pagkain ha... magtatagal tayo du'n."

"Ilang araw mo ba gusto?"

"Kahit isang araw lang,"

"Ang bilis naman nu'n, ayaw mo ba ng kahit..." saglit na tumigil si Japs upang kontrolin ang sarili. Muntik nanaman kasi siyang mapaiyak.

"Kahit tatlong araw? Isang linggo? O kahit isang buwan na?"

Napangiti si Meryl ngunit wala ng naisagot pa.

"Tulog ka na ba ulit, Sisa?" May pangambang tanong ng binata at muling tinignan kung ayos pa ang pulso nito.

Pakiramdam niya'y nakikipaglaban na lang siya sa wala, dahil kahit ano pa ang gawin niya, hindi na mababago ang epekto ng mercy killing chip sa buhay ni Meryl.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon