Chapter 30

825 38 2
                                    

Simula nang mahawakan ni Dr. Gail ang kaso ng pagkamatay ni Professor Draco ay hindi na maalis sa kanyang isip ang estudyanteng si Meryl. Marami na itong napatunayan sa kanyang kakayanan, ngunit dahil nga sinara na lang ng unibersidad ang kaso ay hindi na rin niya dapat ito pagtuunan ng pansin.

Ngunit nang mabalitaan niyang nasa Pilipinas pala si Dr. Yago, isa sa mga naging propesor niya noong nag-aaral pa siya, ay agad niya itong kinontact upang makipagkita. 

"I'm planning to write a case study about her, sir. Isn't that a good thing?" Tanong nito.

Sa dating opisina ni Dr. Yago nag-uusap ang dalawa. Ngunit dahil sa US na naman ito tumira ay pinapagamit niya na ito sa kanyang pamangkin na isa namang nutritionist. Hindi naman office hours at pumunta pa sa ibang clinic ang kanyang pamangkin, kaya libre pa silang mag-usap.

"I know she's a very interesting topic, but no one has ever touched this kind of case. Besides, her parents requested this to be highly confidential. You're one of my favorite students, Dr. Gail, but I suggest you let go of your interest."

"But sir, we never know if there are similar cases out there, in other countries. We could be helping lives! I'm pretty confident that this study will be acclaimed internationally,"

Huminga ng malalim si Dr. Yago. Ramdam nito na hindi siya titigilan ng kanyang dating estudyante unless pumayag siya.

"I have all her records. I can even give you results of my findings. Lahat ng kailangan mo para sa case study na 'yan. But in one condition."

"Ano 'yun, sir? I'm willing to risk," agad na sagot ni Dr. Gail at tila nabuhayan nang marinig na kumpleto na pala lahat ng files ng kanyang subject.

"Get the approval of Meryl Danes."

"As simple as that?" kunot-noong tanong ni Dr. Gail dahil para sa kanyang bihasa sa paggamit ng hypnosis, ay isang maliit na bagay lamang iyon.

Umiiling si Dr. Yago habang bahagyang napangiti. "You must have seen it yourself, nu'ng kinuwento mo ang tungkol sa kanyang professor. My patient isn't an ordinary person. You have to earn your trust if you want to use hypnosis. Which, I tell you, won't be easy."

"Well, I accept the challenge, sir. I have started researching about the mercy killing chip, anyway."

"Good," tumango si Dr. Yago, "that's good. Kapag napapayag mo na siya, bring her to me, and I want to see her agreeing to be in the case study personally."

Natuwa si Dr. Gail dahil kampante itong mapapayag niya si Meryl kahit hindi pa siya gumamit ng hypnosis. "Thank you Sir, I swear I won't let you down."

"I hope so, I hope you can also help her," sagot nito at may ilang papeles na kinuha, kasama ng isang microchip. 

"By the way, I'd like to look into something," wika ni Dr. Yago saka inabot ang files na hawak. "I've been writing a research paper about the Villegas. It's been years, actually. But I guess I just want to give up on it."

"Why, Sir? Why the Villegas?" tanong ni Dr. Gail. Napansin niyang luma na ang ibang papel. May mga newspaper na noong 1990s pa napublish, at meron namang 2000s. 

"Nu'ng inaaral ko kasi ang kaso ni Meryl, I also traced her family background. Although the Villegas were only her foster grandparents, sila pa rin ang nagsimula ng mercy killing chip. Apparently I've given you one background about my patient."

"Necrophilia?" sambit ni Dr. Gail nang mabasa ang salitang ito sa mga papel na hawak. 

"The Villegas are necrophils; the very reason why I became interested."

Nanlaki ang mga mata ni Dr. Gail sa ilang mga nakasulat. Sa isip-isip niya ay mukhang magpupuyat nanaman siya sa bago nitong proyekto. Ngunit sa ngayon ay prioridad pa rin niya ang gawan ng pag-aaral si Jan Meryl Danes.

***

AN: Hellooo! Sorry medyo lame ang update na 'to, parang filler chapter lang kasi. Haha. By the way, gusto niyo bang gawan din ng separate novel ang mga Villegas? Palagi kasi silang nasasama. Although ewan ko kung kakayanin kong isulat since hindi talaga maganda ang background nila at morbid pa. Haha!

Ayoko magspoil sa mga hindi pa nakakabasa ng Programmed Girlfriend. Pero feel ko may mga nasasama na kong spoilers dito sa story. Sorry na bes. :(

Vote & comment please, lovelots :* 



The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon