Chapter 24

802 47 10
                                    

Napalunok si Japs at marahang inalis ang pagkakayakap ni Meryl mula sa kanya. Hindi siya umikot upang harapin ang babae.

"Sorry, Meryl. Pero hindi ko kayang makihati tulad mo." Pagkatapos sabihin iyon ay mas pinili na lang niyang lumakad paalis. 

Hindi pa kumilos si Meryl mula sa kinatatayuan. Dahil sa pagka-dismaya niya ay napagbuntungan niya ang librong hawak ng lalaki. Tinitigan lamang niya ito at sa isang iglap ay napunit sa gitna, kaya naman laking gulat na lang ni Japs nang makitang nagkalagas-lagas ang ilang pahina.

"Sh*t!" Napatingin din ito sa kanyang likuran, alam niyang si Meryl lang naman ang may kagagawan nito. 

Bago pa man makasalita si Japs ay tumalikod na din ang babae saka lumakad palayo. Muling napamura sa isip si Japs habang pinupulot ang mga papel. 

"Kung kelan patapos na 'ko o," paiyak na tugon nito, "minsan na nga lang magbasa. Hay, ang hirap talaga intindihin ng babaeng 'yun."

***

Bumalik na lamang si Meryl sa kanilang building, ngunit wala itong balak pasukan ang kanyang klase at baka kung ano pa ang magawa niya sa mga kaklase. 

"Uy! Meryl Danes!" Kasama ng kanyang grupo ay hinarang ni Oz ang dalaga. Papunta dapat sila sa bilyaran ngunit mukhang panandalian munang maiiba ang plano dahil nakasalubong nito si Meryl.

"Kumusta? Bakit parang badtrip ka yata ngayon?"

"Badtrip talaga ako. Kaya wag mo kong lapitan," Inis na tugon nito na ikinagulat ng grupo; ang ilan ay nagtawanan, lalo na ang leader ng grupo.

Lalagpasan na sana ni Meryl ang mga ito ngunit agad naman siyang inakbayan ni Oz upang pigilan. "Dahil kay Vince ba? Balita ko nagkikita pa rin sila ni Zayne ah? Anong gusto mong gawin natin? Gantihan ba?"

"Wag mong gagalawin si Vince." May pagbabantang sabi ni Meryl at kumawala sa lalaki. 

"Whoa, pre narinig niyo 'yun? Wag ko daw galawin!" Pang-aasar pa ni Oz at nakisabay naman ang grupo. 

"Boss, nagpapaloko yata talaga,"

"Siya na ang pinaka-tanga sa mga tanga,"

Nagsitawanan ang grupo ngunit blanko lamang ang reaksyong pinapakita ni Meryl, dahilan upang mapaisip si Oz na wala talagang pakialam ang babae sa kanilang sinasabi.

"I'm just curious, Jan Meryl, sa ganda mong yan, bakit ka nagpapaloko?"

"Girlfriend ako ni Vince. Mahal ko siya." Inosenteng sagot nito na tinawanan lang ulit ni Oz.

"You know what, I like you," Sumandal ito sa pader habang nakangiting nakatitig sa babae.

"You know what, I don't like you." Deretsahang sagot naman ni Meryl. "Mukha kang aso." Pagkatapos ay lumakad na siya paalis at nilagpasan ang grupo. 

Nagulat ang lahat sa kanyang sinabi at akmang pipigilan pa ito ngunit sumenyas si Oz na hayaan na lamang. Naiinis ito na natatawa, hanggang sa naisip na niya kung ano nga ba ang balak,

"One of these days, I want her mine. Gawin niyo ang lahat madala lang siya sa'kin." He said, smirking. Pagkatapos ay lumakad na rin paalis kasama ang buong frat papunta sa kanilang tambayan.

***

Abala si Meryl sa pag-gawa ng research paper sa kanyang dorm nang may narinig siyang kumakatok sa kanyang pintuan. Alas onse na ng gabi, kaya may pagtataka itong tumayo.

Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang lasing na si Vince. Dere-deretso itong pumasok at umpo sa sofa na para bang sariling bahay niya ang pinasukan.

"Vince, okay ka lang ba?" Nagmadaling kumuha ng tubig ang dalaga at inabot ito kay Vince. 

"Sorry, Jan... sorry," halos pabulong niyang sambit at matapos uminom ay napasandal muli sa sofa.

"Ano ba'ng nangyari? Bakit ka naglasing?" Tanong ni Meryl at isandal ang ulo ng lalaki sa kanyang balikat. 

"Ayoko ng lokohin ka pa," sagot ni Vince, "I can't love you.  I was doing well nu'ng nawala ka, kaya bakit kailangan mo pa 'kong guluhin ulit?"

"Vince,"

"Mahal ko si Zayne, Meryl. Oo, gusto kita... dati. Dati 'yun, nung mga bata pa tayo."

"Vince, lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan. Di ba sabi mo gusto mo rin namang kalimutan siya?"

"Sinubukan ko naman e, pero ang hirap lalo na kung araw-araw ko ba namang siyang nakikita. Why do you have to go back, Jan?" Maingat nitong tinulak ang sarili at tumayo, saka humarap kay Meryl.

"Bakit kailangan mo pa 'kong guluhin? Why do you have to get treated when in fact, you should be long dead!"

"D-dead? Anong sinasabi mo, Vince?" Naguguluhang tanong ni Meryl.

"Alam mo kung anong sabi sa'kin ni Daddy? Your mom is a real psycho. She's killed your grandparents, my mom, and even you, Jan."

Napahawak si Meryl sa kanyang dibdib dahil sa biglang pagkirot nito. Hindi na siya makapagsalita dahil ang lalaking matagal niyang hinintay ang mismong naninira sa kanyang pamilya ngayon.

"Nu'ng sinabi sa'kin ni Daddy na subukan kitang kaibiganin despite knowing the truth behind your family, natakot na 'ko. Natakot ako sa pwedeng mangyari sa'tin." Umatras ito at saka binuksan ang pintuan, ngunit bago tuluyang lumabas ay sinabing, "Sorry, sorry, Jan Meryl." 

"Aahh!" Napasigaw si Meryl sa biglang pagkirot ng kanyang puso, na para bang apektado ang kanyang buong katawan sa paglalaro ng kanyang emosyon. 

Hanggang sa nawalan na siya ng kontrol sa kanyang katawan at napahiga sa sahig. Ilang sandali pa ay napaubo ito ng dugo. Halos pareho ang scenario nang unang beses niyang gamitin ang kakayahang magpagalaw ng bagay. 

Narinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Lumabas naman sa hologram ang mukha ni Japs ngunit dahil sa hindi niya ito maabot ay sinubukan na lang niyang gamitin ang kanyang kakayahan.

Nagawa naman niyang ma-click ang answer button, at tahimik na pinakinggan ang lalaki.

"Oy Meryl, tumawag ako para lang sabihin na hanggang ngayon, gising pa 'ko para lang pagdikit-dikitin 'yung librong pinunit mo." Pang-aasar na sabi ni Japs sa kabilang linya. 

"Di ba sinabi ko naman sa'yo na gamitin mo naman 'yung powers mo sa mabuti. Dapat nga singilin kita dito e, pasalamat ka masyado akong mabait at maintindihin."

Gusto man magsalita at sumagot ni Meryl ay hindi niya magawa. Paghinga pa nga lang ay hirap na siya.

"Teka nga, bakit pala gising ka pa? At bakit ako lang yata nagsasalita dito." Mas nilakasan ni Japs ang volume upang mas marinig kung may sinasabi ba ang dalaga, ngunit wala pa rin itong nakukuhang kahit anong sagot. 

"O baka naman tulog ka na talaga, tapos aksidenteng napindot mo lang." Magpapaalam na sana siya nang marinig niya ang mahinang pag-ubo ni Meryl. "Uy Sisa, ayos ka lang? May sakit ka ba?"

Tuluyan nang nawalan ng malay si Meryl kaya hindi na rin niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Japs.

"Nasa dorm ka, 'di ba?" Kinuha niya lamang ang kanyang jacket at nagmadaling tumakbo palabas upang puntahan ang kausap. Naalala kasi nito ang nangyari sa babae noong unang beses niya itong tulungan. 

***

AN: Hi guys! Salamat sa mga nagbabasa pa rin ng Psycho's Daughter kahit na medyo matagal bago ako mag-update, sana makapagcomment din kayo kahit minsan para naman ma-motivate ako. Char. hahahaha. 

Also, Japs ba or Vince? Until now pinag-iisipan ko pa din kasi kung sino sa kanila. Hahaha! <3

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon