Chapter 11

1.1K 50 1
                                    

AN: Alam kong masyadong malungkot, seryoso, at creepy ang mga nakaraang chapters, kaya simula dito ay maging medyo light naman tayo. Konting humor lang ha, alam niyo naman sigurong walang sense of humor ang author na to. Bwahahaha.

***************

Dalawampu't-isang taong gulang na si Vince, at nasa ika-tatlong baitang na ng kolehiyo. Dapat sana ay graduating na siya sa susunod na semester, kaya lang, dahil sa napakadami niyang bagsak ay nagpa-reclassify na lang siya bilang third year.

"Oy pre!" Bati ng isa niyang kaibigan na ka-batch niya dapat. "Kumusta? Yung mga nasa lower year nanaman ba kasama mo?"

Pabirong sumuntok si Vince sa balikat ng kanyang kaklase. "Loko ka pre, ngayon lang 'to."

"Bakit mo naman kasi syinota yung bitch na 'yun? Nagkaloko-loko ka tuloy."

"Tigilan mo ko Japs ha," tugon naman ni Vince. JP ang madalas itawag sa lalaking kausap niya, ngunit dahil tropa ay binigyan niya ito ng palayaw na Japs.

"Maganda at sexy naman ang girlfriend ko." Proud pa nitong sabi, "ikaw? Wala ka pa ring balak magsyota ulit? Ligawan mo na 'yung bestfriend niya."

"Tss, 'di na pre,"

"Pa-good boy ka pa. Ano, kausapin ko na ba?" Pangangantsaw pa ni Vince. Tila nakalimutan na nito ang pagkakaroon ng 'goodboy image' nang matungtong ito ng kolehiyo at naimpluwensyahan. Hindi kalaunan ay napasali din ito sa underground fraternity. Ipinagbabawal kasi ang mga ganitong klaseng organisasyon sa pribadong unibersidad na kanyang pinag-aaralan, kaya patago lamang nila itong ginagawa.

Maging ang kaklase niyang si Japs ay walang alam sa pagsali ni Vince noong nakaraang taon. Nabigla na lamang ito nang unti-unti na ngang nagbago at naging pasaway ang kaibigan.

"May hinihintay ako pre."

Natawa si Vince sa narinig. Ito nanaman kasi ang sagot ni Japs sa kanya.

"Hinihintay? Tagal na niyan pre! 'Di ka na niyan babalikan!" Sagot nito at napalakas pa ang tawa.

Nasabi niya iyon base na rin sa kanyang karanasan. Para sa kanya, hindi na siya dapat pang magpaka-tanga sa taong nang-iwan, at wala namang balak bumalik.

"Babe!" Sigaw ng kanyang girlfriend na si Zayne, kasama ang kanyang matalik na kaibigan.

"Hey babe," tugon naman nito sabay palupot ng braso sa bewang ng babae.

Agad namang inalis ni Japs ang kanyang tingin lalo na't masyadong PDA na ang dalawa.

"Sige na pre, una na 'ko," sabi na lang nito at tinapik sa balikat ang kaklase. "Aral mabuti!"

"So, babe, sa'n tayo mamaya?" Nang-aakit na tanong ni Zayne.

"Best, magtatime na, hindi pa ba tayo pupunta sa klase?" Kinailangan munang sumingit ni Karen, ang best friend ni Zayne, dahil ayaw na ayaw talaga nito ang nale-late.

"Ikaw talaga, masyadong time conscious." Pairap na komento ni Zayne at kumalas na rin sa pagkakayakap sa kanyang boyfriend.

"Bagay talaga kayo ng kaibigan kong si Japs,"

"Eew! Tigilan mo na nga Vince." Agad namang sagot ni Karen. Pihikan kasi ito pagdating sa kanyang mga manliligaw.

"Sige na babe, bye!" Muling humalik si Zayne sa pisngi ng boyfriend pagkatapos ay lumakad na rin paalis.

Communication Arts ang kanilang kurso, at sa kabilang building pa ang kanilang classroom. Ipinakilala lamang siya ng kanyang mga 'brother' sa fraternity para lang magkaroon ng trophy girlfriend, at bilang dare na lang kung mapapasagot niya ito.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang