Chapter 46

1.4K 59 34
                                    

Mabilis na bumaba si Vince mula sa kanyang sasakyan nang makita ang naka-park na sasakyan ni Japs.

Nakita naman niya kaagad ang dalawa. Hanggang sa makalapit siya at matagpuang huli na pala siya.

"Japs?" Gusto niyang humingi ng paliwanag sa nakatulalang lalaki. Ngunit mukhang hindi ito makakapagbigay ng kahit anong salita.

Lumapit siya at puno ng kabang tinignan ang pulso ni Meryl.

Wala na. She's dead. I'm late. I'm too late.

"A-anong nangyari...? Bakit?" 

Dahil sa hindi ito makapaniwala ay hinila niya si Japs sa kwelyo. "W-what did you do?" Nanginginig nitong tanong. "Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!"

But Japs couldn't say a word. Ni hindi nito magawang tignan si Vince. and Vince knows, no matter how much he wants to put the blame on someone, that nothing can change what's happened. 

"Aaaahhh!" Binitawan niya si Japs at napasabunot sa kanyang buhok. 

"Vince," Matamlay na tugon ni Japs. Inabot niya ang papel na sinulat ni Meryl.

Right there, binasa ito ni Vince. 


***

A few years ago...

"Daddy! Bilisan mo, susunduin na natin si Mommy." Nagmamadaling sabi ng batang si Jan pagkababa sa sasakyan.

Ngayon kasi ang araw ng labas ni Mia mula sa kulungan. Nagkataon namang ngayon din ang birthday ni Jan Meryl. Hinawakan ni Levi ang kamay ng bata. Si Meryl na mismo ang nauna at humila sa kanya papasok ng presinto.

"Bilisan mo na, Daddy!"

"Opo, eto na... andyan lang naman si Mommy e."

Bago pa man sila makapasok ay sinalubong na sila ni Mia. Nagmamadaling tumakbo si Jan at niyakap ang kanyang ina. 

"Halika na baby, uwi na tayo. Sa bahay na tayo magcelebrate ni Mommy," sabi ni Levi para bumalik na sila sa sasakyan.

"Daddy, may dog!" Pagturo ni Meryl sa asong nangangalkal ng basura sa isang tabi. 

Tumawa lang ang mag-asawa dahil hindi rin naman ito kapansin-pansin. Ngunit palihim na tumakbo ang batang si Meryl. 

Natagpuan nito ang mga batang nagtatakbuhan matapos itulak ang isang batang lalaki palapit sa aso. 

Iyak ng iyak si Japs, ngunit hirap siyang tumayo dahil sa sugat sa kanyang paa, at dala na rin ng takot na anumang oras ay pwede siyang lapain ng aso. 

Tumakbo si Jan Meryl sa harap ng batang lalaki upang harangan ito. Nahagilap ng kanyang mga mata ang isang matalim na bagay mula sa basurahan. Ito ang kanyang ginamit upang kitilin ang buhay ng asong kanina pa naglalaway. 

Laking gulat na lamang ni Japs nang may tumalsik na dugo papunta sa kanila. Ngunit hindi niya gaanong nakita kung paano ito nagawa ni Meryl, gayong mas maliit pa nga ito kumpara sa kanya. 

"Secret lang natin 'to ha." Nakangiting sambit ni Meryl. "Ah, baka hanapin na 'ko nila mommy't daddy. Bye bye!" 

Tsaka lamang nagawang tumayo ni Japs nang makaalis na ang batang babae. Mula sa malayo ay tinanaw niya ito. 

"Thank you," huli na ang lahat para magpasalamat pa siya, ngunit sinabi pa rin niya kahit pa hindi na ito marinig ng batang nagligtas sa kanya. 

Secret lang. Paglaki ko at 'pag nagkita ulit tayo, ako naman ang magliligtas sa'yo. 


Parehong nagulat ang mag-asawang Danes sa itsura ng anak pagbalik sa kanila.

"A-anak... bakit... bakit puno ka ng dugo? Ang dumi mo, anong nangyari?"

Sabay nilapitan ni Levi at Mia ang bata. Dugo nga 'yung nakakalat sa damit at kamay niya.

"Yung dog kasi e, ang likot," sagot nito.

"Anong ginawa mo sa dog?" Nag-aalalang tanong ni Mia.

"Pinatay ko po." Nakangiti niyang sabi at pumasok na sa sasakyan.


- END -



***

AN: Thank you po sa lahat ng nagbasa ng The Psychos' Daughter kahit na medyo napahaba ko talaga siya. Kung napansin niyo naman, 20 something chapter lang ang Programmed Girlfriend pero eto, doble pa. Puro kadramahan lang naman. Char. Hahahaa. I hope to know you thoughts pa din so please, please comment kayo ha? :3

Pwede niyo pa rin po ma-access ang Programmed Girlfriend dito sa account ko. And, available pa din po siya sa National Bookstores. 

God bless everyone! Mwah :*

- Q.cess

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon