lesbian love sex romance(still thinking about the title)

70.7K 357 24
                                    

"True love has no gender" yan ang story na ginawa ko at wala pang ending haha. Lesbian love story din siya but this is different. Gawa to ni Ni Shane my girlfriend. Sabi ko ipublish nya under my account at eto na nga po hihi. Enjoy reading! :)

-------

Chapter One- Girl in my dreams

She is holding my hands and we are just looking at each other smilling like total fools. Then something urged me to kiss her. Something shouted inside me that I have to put my lips to hers. I finally decided to close our distance. I will feel her lips to mine.

Urgh... The hell! Ano bang klaseng panaginip un? Parang totoo and the worst part is I don't even know the girl. Wait did I just dream about kissing a girl who is totally stanger? Sino ba kasi ang babaeng un at ilang araw na nya ako binibisita sa panaginip and everytime I can finally taste those beautiful lips palagi na lng ako nagigising.

"Hoy Shane gising na! Alas-otcho na at male-late ka na sa school!" Ang nanay ko talaga. Sa araw araw na lang ganito ang linya nya. Alam ko naman na alam nyang 7am pa lang at ang pasok ko ay 9am pa.

"Gising na!" sabi ko naman sa nanay ko. Inayos ko na ang hinigaan at mga gamit ko for school. Another day nanaman. And I looked like a walking zombie. Kinailangan kong tapusin ang project ko or else I see a red mark sa class cards ko.

"Anong almusal?" tanong ko kay mama.

"Nagtanong ka pa, pritong itlog, hotdog at sinanag. Kumain ka muna bago maligo."

Palaging ganito ang breakfast sa bahay. Hindi ata kumpleto ang araw ko kapag hindi ganito ang ihahain sa harap ko. Pagkatapos kumain naligo na ako at nagbihis. Feeling fresh na kahit ung eyebags ko tinubuan na ng eyebags ulet.

"Mother, I'm going." sabay palad ng kamay ko sa harap niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito. Syempre ang pinakapaborito ng mga students ang allowance nila. Inabutan ako ng 150 ng mama ko.

Taga province lng ako ang sa isang state university nag-aaral. I can sense that you are thinking na malaki siguro ang daily allowance ko. The heck, sa ikapitong bundok kame nakatira at kailangan kong umarkila ng tricycle mula dito hanggang sa school.

Anyway, kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi pa ako ngpapakilala ng maayos sa inyo. I'm Shane Hernandez, 19 years old at nasa 4th year na. Ilang tumbling na lang graduate na ako bilang teacher. Favorite color ko ang blue at yellow. Sobrang addict ko sa anime at kapag walang magawa it's either I watch movies, Glee, The Vampire Diaries or read books. Madalas din akong magsulat ng poems at stories. Ang busy ng schedule ko noh? Haha..

Ayun, nasa school na din ako after 10 years at sandamakmak na alikabok. I looked for my best friends. Kwentuhan kami nila Jovs, Joc at Rina to the max na parang hindi kami nagkita kita kahapon. Kami yung group sa class na happy go luck pero we see to it na every quiz at exams ay pumapasa.

"Uy Shane nakita mo na yung list na pumasa sa editorial board ng gazette?" tanong sakin nung isa sa mga nerd pips.

"Hindi pa. Bakit meron na bang update sa result?"

"Oo. Tignan mo na lang sa pinto ng office mamaya." sagot ulit niya.

Kami ng mga barkada ko kasi ung group na pwedeng isabak sa the nerds, the make up group and the teacher's pet. I especially don't care kung saang group ka kasali. As long as you treat me well I'll do the same.

Pumasok na kami sa room namin. At dito na magsisimula ang 2 hours boring na part ng buhay ko. Sulat ng notes, sometime listening but mostly pretended to do so. Lastly, I heard the bell at nagpass na kami ng project.

Lumabas na kami ng room ng mga friends ko. Inaya ko sila sa gazette's office.

OMG! Am I seeing this right? Kasama ako sa pumasa sa editorial board. And the happiest part is I am the newest associate editor in chief. Parang vice president yun. I didn't believe it at first dahil sa hirap makapasok sa organization na yun. Pipigain mo talaga ng husto ang utak mo.

"Congrats assoc!" bati ng friends ko. This is what I love about them. We help one another to excell at we make sure to give encouragement when one of us failed. I have the biggest grin on my face. Hell yeah! I am so happy dahil gusto ko talaga makapasok sa org na ito.

So nasa pantry na kami ng friends ko. Early lunch kasi we have class at 12:30. As usual I have friend chicken. Palagi nga akong binibiro ng barkada na baka magkapapakpak na daw ako. I just smiled at them and enjoy eating my chicken.

The day had passed so slow. Bakit ba kapag may class ang bagal ng oras at kapag naman break ang bilis ng oras? Ito ba ang magic ng mga teachers? Ang pabagalin at pabilisin ang oras? Pero at least pauwi na kame ngayon. At after i-box out ang ibang students nakasakay na din ng shuttle papuntang main campus.

After 10 years at sangkaterbang alikabok nasa bahay na din. I have to go home early. Last episode ng Naruto Shippuden ngayon at ayoko itong mamiss. :-)

That's it. My first chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon